Sunday , December 22 2024

Ilegal na imprenta ng libro sinalakay

SINALAKAY ng National Bureau of Investigation- National Capital Region Division (NBI-NCR) ang dalawang photocopying at printing establishment sa Baguio City.

Sa pamamagitan ng search warrants na ipinalabas ni Regional Tial Court(RTC) Branch 24 Judge Ma. Victoria Soriano-Villadolid pinasok ang mga nasabing establisyemento dahil sa ilegal na pag-duplicate at pagbebenta ng palsipikadong kopya ng mga librong inilathala ng  REX Book Store.

Pinamunuan ni Agent Emelito Santos III ang pagsalakay at nakakompiska sila ng 22  pirasong counterfeit books; 8 set ng personal computer; 15 photocopying machines, 1 unit ng scanner at iba pang kagamitan na ginagamit sa ilegal na operasyon.

Karamihan sa mga nakompiskang counterfeit materials ay academic books na ginagamit ng mga estudyanteng nag-aaral sa mga kalapit na unibersidad.

“These photocopying centers reproduce entire books, violating the economic rights of both the authors and the publisher,” ani  Atty. Anthony D. Bengzon tumatayong abogado ng Rex Book Store.

May parusang pagkakakulong ng isa hanggang tatlong taon at multang P50,000 hanggang P150,000 ang kakaharapin ng dalawang establisyemento sakaling mapatunayan ang kanilang pagkakasala.

About jsy publishing

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *