Friday , September 13 2024

‘TSONA’ ni VP Jojo Binay litanya ng ‘bitter’

00 Bulabugin jerry yap jsyAYAW sana nating maubos ang respeto sa mamang namamarali na siya ang nagbigay ng ibang mukha sa Makati City — si VP Jejomar Binay.

Kaya lang, humuhulagpos siya sa tinatawag na gentleman’s parameter.

Noong una kasi, ayaw nating maniwala na papasok siya sa sistema ng tradisyonal na pamomolitika lalo na nang ideklara niyang tatakbo siya sa 2016 presidential election.

Inisip natin na marangal at bagong mukha ng pamomolitika ang ipakikita ni VP Binay nang ideklara niyang tatakbo siyang presidente.

Pero nagkamali tayo…

Nagdeklara si Binay na tatakbo siya at inakala niyang siya ang “the chosen one” o ieendorso ni PNoy.

Pero nang nagkamali siya at ang inendorso ni PNoy ay si BFF Mar Roxas, biglang rumepeke na ng upak si Binay laban sa daang matuwad ‘este matuwid. 

Hindi lang isang beses kundi paulit-ulit hanggang bitbitin niya ang mga upak na ito sa tinawag niyang True State of the Nation Address (TSONA) sa Cavite State University (CSU) sa Indang, Cavite na napuno umano dahil sa memo sa mga estudyante. 

Kasunod nito, bumaha na ang negatibong komentaryo sa kanya sa social media.

Labis na ikinainis ng netizens ang paggamit ni Binay sa mga namayapang SAF 44.

Hiniling na rin ng mga pamilya ng SAF 44 na huwag nang isali sa politika ang kaanak nilang nanahimik na.

Mismong si Palace spokesperson Secretary Edwin Lacierda ay hindi nakatiis, at sinabing ang binansagan ni Binay na manhid at palpak ay limang taon niyang pinalakpakan.

Kaya malinaw lang na kaya panay ang upak ni Binay sa administrasyon ay dahil hindi siya ang inendorso ni PNoy.

Bakit nga naman pinaabot pa niya nang limang taon bago niya nasilip na palpak pala ang gabinete na ilang taon din siyang kasama!?

Sourgraping ba!?

Kaya kahit ano pa ang sabihin ni Binay laban sa kanyang mga makatutunggali, iisa lang ang masasabi natin diyan…

Look who’s talking?!

May delicadeza at dignidad si Mar Roxas

Gusto natin ang ginawa ni outgoing DILG Secretary Mar Roxas.

Mas mabuti talagang nag-resign siya matapos siyang iendorso ni Pangulong Noynoy.

Una, para hindi siya mapagbintangang gagamitin niya ang kanyang opisina at ang pondo nito para sa pamomolitika.

Ikalawa, para makalibre na rin siya ng kanyang oras at makapagsimula na rin siyang mag-ikot-ikot lalo doon sa mga probinsyang hindi siya popular.

At ikatlo, gawin siyang huwaran ng iba pang Cabinet member na gusto o may planong tumakbo sa 2016 elections na dapat ay mag-resign na rin sila ngayon pa lang.

‘Yan naman ay para huwag na silang mapulaan lalo na kung sila ay tatakbo sa ilalim ng Liberal Party.

Dagdag pogi points din ito para sa kanila.

‘Di ba, Secretary Leila de Lima at Butch Abad?!

Nawalang 20 chinese illegal workers pinaiimbestigahan ‘kuno’ ni Mison!?

DELAYED reaction yata ang biglang pag-order ni BI Commissioner Fred ‘good guy’ Mison na mag-conduct ng investigation tungkol sa nangyaring pagdakip sa 191 foreigners diyan sa isang call center malapit sa Resorts World Leisure and Casino.

Sinasabing hindi raw siya kombinsido sa nangyaring imbestigasyon dahil marami raw ang pinera ‘este pinakawalan nang walang kaukulang pahintulot o sinasabing hilaw ang imbestigasyon bago tuluyang binitawan ang mahigit sa 20 Chinese illegal workers.

What the fact, Atty. Tan-5!?

Sa panig ng mga nakaiintindi sa ganitong pa-praise release ni Miso ‘este Mison, natatawa na lang sila. 

Sabi pa ng iba “hugas kamay na parang si Pilato” daw si Fafa!?  

Matapos batikusin at kuwestyonin natin at ng ilang katoto ang legality ng operation at pag-issue niya ng Mission Order or “general warrant” tila naramdaman raw ni Freddie boy na mukhang malalagay na naman siya sa alanganin kaya naisipan niyang magpaimbestiga?!

Unahan at hanapan na naman daw ng mga taong ilalaglag upang maisalba agad ang kanyang pangalan!?

Hanep naman ‘di ba?

Alam rin kasi ng mga totoong nakaiintindi ng batas na ang nakagawian nitong si Comm. Fred “good guy” Mison na mag-issue ng general warrant ay isang malaking “BAWAL” at hindi naaayon sa ating Saligang Batas.

Bago pa mapunta ang issue sa pagiging “ignoramus” or ignorance of the law at bago pa man magkaputukan, kinakailangan na niyang unahan ang media at palabasin na siya ay nagpaimbestiga para nga naman absuwelto agad ang mama?! 

What can you say about that, Atty. Plaza? 

Basang-basa ba ang galaw ng bossing mo ng ilang abogado riyan sa BI?

Well, para talaga maniwala ang lahat na walang bahid ng moro-moro ang gustong mangyari ni Mr. ‘good guy’ Mison, ‘e bakit hindi muna i-relieve (agad-agad) sa kanilang mga posisyon ang mga inutusan ninyong manguna sa nasabing operation para masabing “fair ends” ang gagawing imbestigasyon at maiwasan din ang  “whitewash” sa isyung ito?

Sino kaya kina Tupas at Licas ang magiging sacrificial lamb sa isyung ito?

Since may bahid ka naman ng pagdududa Mr. Good Guy, mas maganda siguro kung pagbakasyonin mo rin sila sa Taganak, Balabak o Tibanban, na nakagawian mong dalhin ang iyong mga empleyadong sumasalto o ‘di kaya naman kinasusuklaman mo!

Hindi kaya ganito na lang ang panggigigil nitong si Mr. Pabebe Good Guy ‘e dahil nagkabukolites sa nasabing hulihan blues?

Your guess is as good as mine!?

Bwahahaha! Aruy ko!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Umay ka na ba sa korupsiyon?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG pagiging talamak ng korupsiyon sa mga pinapasok na …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Sumuko nga ba o naaresto si Kingdom of Jesus Christ (KOJC)?

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI ang nagugulohan sa totoong detalye ng pagpapasakamay ni Quiboloy sa …

Dragon Lady Amor Virata

Senator Cynthia Villar tatakbo para sa kongreso  magpinsang Aguilar maglalaban para sa mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NOONG nabubuhay pa ang yumaong Vergel “Nene” Aguilar, tahimik …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Ano pa ang hinihintay ng DOH sa Mpox vaccine?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI pa naman daw kailangan ng social distancing para sa seguridad …

YANIG ni Bong Ramos

74-anyos lolo, nawalan na ng wallet at cellphone, ikinulong pa

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang sinapit ng isang 74-anyos Lolo na matapos mawala ang wallet …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *