Sunday , December 22 2024

10 kabataan pumuga sa CSWD holding center, 1 sugatan

SAMPUNG kabataan na tinaguriang ‘Children In-Conflict with the Law’ (CICL) ang napaulat na pumuga mula sa detention cell ng Caloocan City Social Welfare and Development (CSWD) sa pamamagitan ng paglagari sa bakal na bintana habang isa ang nasugatan dahil sa pagtalon mula sa ikatlong palapag.

Base sa nakalap na impormasyon sa Police Community Precinct (PCP) 2 ng Caloocan City Police, dakong 9:30 p.m. noong Hulyo 29 nang tumakas ang sampung kabataan sa detention cell ng CSWD na matatagpuan sa city hall compound.

Kinilala ang mga tumakas na kabataan na sina Renz Castañeda, Francis Vargas, Marvin Echo, Earl Gallego, Gerry Mar Patilla, Ser John Estrella, Rudy Alfonte, Jomar Katang-Katang, Samson Mercado, at Jefferson Napao.

Habang nasugatan ang isa sa mga kabataan na si Crizaldy Dayao nang tumalon mula sa ikatlong palapag ng detention cell, ginagamot sa Caloocan City Medical Center (CCMC).

Ayon sa salaysay sa mga awtoridad ng duty house parent na sina Emilda Seminiano at Nemfa Espinosa, una nilang narinig na nagkakantahan nang malakas ang mga kabataang nasa kanilang pangangalaga.

Hindi nila inakala na may planong tumakas ang mga kabataan na kumakanta nang malakas upang hindi marinig ang paglagari sa bakal ng bintana sa comfort room sa ikatlong palapag ng gusali.

Kasunod nito ang isang pagsabog na narinig ng dalawang duty house parent kaya’t agad silang umakyat sa ikatlong palapag at nakitang wasak na ang bintana na dinaanan ng mga tumakas na kabataan.

Ngunit isa sa kanila ang hindi nakatakbo nang masugatan at mapilay dahil sa pagtalon mula sa ikatlong palapag. 

About Rommel Sales

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *