Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Nalilito sa panaginip

00 PanaginipHello po Señor H,

Meron po kc aq napapanaginipan n mga pangyayari n kdalasan e ngkakatotoo. D q lang po alam kung san bnsa sa buong mndo tatama. Kc po nung ngkaron ng tsunami sa Japan bgo po nangyri un npanagipan q n n lumindol dw ng mlakas tpz ngkaron ng tsunami at marami ang nmatay… Nun din po bumagyo ng yolanda bgo po nangyari yun npanaginipan q n po n umulan daw po ng malakas humangin tpz ang dmi nmatay n tao n lumulutang sa malaking baha… Kdalasan po aq nanaginip sa twing ngpapalit ang taon nanaginip n po aq ng mga magaganap plang na unos dko lang po kc alam kung kailan at san tatama… basta ang alam q lng po bgo matpoz ang isang buong taon ung mga npanagipan q n unos nagkakatotoo…Ano po ba masasabi nu tungkol po dto… Kc mging aq nalilito e… (09334128604)

To 09334128604,

Ang tsunami sa panaginip ay nagsasabi na ikaw ay nao-overwhelm ng ilang repressed feeling or unconscious material na nae-enkuwentro mo. Posibleng may kaugnayan din ito sa mga nararanasang kalungkutan at emotional instability sa estadong ikaw ay gising.

Hinggil naman sa madalas na nagkakatotoo ang panaginip mo, maaaring ito ay nagkakataon lang naman. Ang panaginip ay bunga ng mga bagay na ating nakikita, nararanasan, at nararamdaman sa ating kapaligiran at mga taong nakakahalubilo natin sa pang-araw-araw na buhay. Ito ay maaaring galing din sa ating pananaw sa buhay, kinukuyom na takot, galit, agam-agam, alalahanin, mga dating karanasan, at mga bagay na katulad nito na naiimbak sa ating sub-conscious. Maaaring ang mga bagay na ito ay naisip, narinig, o naranasan natin mismo ng direkta.

O kaya ay sinabi lang ng iba sa atin o naikuwento, nabasa sa libro o pahayagan o katulad na mga bagay, napanood sa TV o sa sine at iba pang mga bagay na na-encounter natin bago tayo natulog, sa mga nakaraang araw o linggo, at may mga ilang pagkakataon din na sadyang matagal nang karanasan na animo de javu na nagbalik lang sa ating kaisipan at pananaw sa buhay sa pamamagitan ng panaginip.

(Itutuloy)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …