Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Narvasa nagsimulang manungkulan bilang PBA commissioner

020415 PBA
NAGSIMULA na kahapon si Chito Narvasa bilang bagong komisyuner ng Philippine Basketball Association.

Noong Sabado ay dumalo si Narvasa sa pagbubukas ng bagong season ng Cebu Schools Athletic Foundation Inc. sa New Cebu City Coliseum.

Ang CESAFI ay ang ligang pinanggalingan nina PBA back-to-back MVP June Mar Fajardo ng San Miguel Beer at Greg Slaughter ng Barangay Ginebra San Miguel.

”Cebu has the most competitive league outside of Manila and it has produced a lot of exceptional players. There’s June Mar Fajardo right here who’s the league MVP, and in the past I’ve coached Jojo Lim, Peter Naron and Boy Cabahug,” wika ni Narvasa sa kanyang talumpati. “I expect many more to join very soon.”

Dating coach si Narvasa sa PBA para sa Shell at Purefoods bago siya nakuha bilang kapalit ni Chito Salud na magiging pangulo at CEO ng liga.

Ang PBA Rookie Draft sa Agosto 23 ay ang unang aktibidades ni Narvasa bilang komisyuner at bago nito ay sasama siya sa board of governors ng liga sa Japan sa Agosto 7 para sa kanilang board meeting doon. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …