GAMITIN ang inyong floor plan at eight-direction transparency upang makita ang west and north-west segment ng inyong bahay. Suriin ang direksyong ito kung may makikita kang ano man na nagbubuo ng fire chi.
Kapag iyong nakita ang nasabing mga object, ilagay ang clay pot na may uling sa ibabaw ng dilaw na tela nang malapit hangga’t maaari sa boiler, cooker, fireplace o oven. Sa kaso ng cooker o fireplace, iposisyon ang uling sa alinmang tabi ng mga ito. Sa boiler, ilagay ang uling sa shelf o sa sahig sa ibaba. Para sa oven, ilagay ang charcoal sa cupboard na malapit dito hangga’t maaari.
Palitan ang uling kada dalawang buwan at panatilihing malinis at walang kalat sa paligid ng clay plot.
Ang dilaw na bulaklak ay may kaugnayan sa soil chi. Kapag inilagay ito sa kanlurang bahagi, susuportahan nito ang metal chi roon, na makatutulong sa iyong palaguin pa ang iyong yaman.
ni Lady Choi