Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Blackwater ‘di na papasok sa trade

080315 blackwater eliteNANGAKO ang team owner ng Blackwater Sports na si Dioceldo Sy na hindi na siya papasok sa mga trades bago ang PBA Rookie Draft sa Agosto 23.

Kinuwestiyon ng ilang mga kritiko ang pag-trade ng Elite sa first round draft pick nito sa Talk n Text kapalit ni Larry Rodriguez na hindi masyadong binabad sa court noong huling PBA season.

Bukod pa rito, itinapon ng Blackwater ang guwardiyang si Brian Heruela sa Barako Bull kapalit ni Carlo Lastimosa.

“We will be holding on to our draft picks for the next two to three years,” wika ni Sy. “We will not trade any of our draft picks. We will concentrate on building the team.”

Tungkol sa draft, sinabi ni Sy na kursunada ng Blackwater ang Fil-Am na si Maverick Ahanmisi ng Cafe France na nagkampeon sa PBA D League Foundation Cup noong Hunyo.

“Sana available pa siya by then,” ani Sy. “We need younger blood. We would like to wait after the draft to see what our adjustments are going to be.”

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …