MAAARING kakaiba ang mata ng pusang si Ozzy, ngunit maliban dito siya ay “purr-fectly” normal.
Si Ozzy, ang 8-anyos pusang nakatira sa Scotland, ay permanente nang duling ang mata makaraan ang aksidente noong siya ay kuting pa lamang, ayon sa amo niyang si Ian McDougal.
“Ozzy fell off a windowsill and we reckon he dunted his head then,” pahayag ni McDougal sa South West News Service.
Hinala ni McDougal, ang pusa ay may ‘tunnel vision’ ngunit nakagagala sa kanilang bahay.
“[Ozzy} can look at one bit and then it’s a bit further away. It’s very comical when he’s chasing a fly,” aniya.
Maaaring ang hitsura ni Ozzy ay mistulang ‘permanently hypnotized’ ngunit hindi ito alintana ni McDougal. Aniya, dahil dito ay parang celebrity ang kanyang pusa, at hindi niya ito ipagpapalit sa iba.
“He looks like [Bagheera] the panther from [‘The Jungle Book’] movie when you see the eyes,” ayon kay McDougal.
(THE HUFFINGTON POST)