Monday , December 23 2024

LP solid kay Mar

“Now, we don’t have differing opinions, we have only one opinion to rally behind Roxas,” eto ang mariing pahayag ni Speaker at LP Vice Chairman Feliciano ‘Sonny’ Belmonte kamakailan pagkatapos hingan ng reaksiyon sa ilang haka-haka na mabibitak ang Partido Liberal.

Pinipilit palutangin ng ilang kampo na hindi lahat sa LP ay suportado si DILG Secretary Mar Roxas, na siyang inendorso ni Pangulong Noynoy Aquino bilang kanyang pambato laban kay Vice President Jejomar Binay sa halalan 2016.

Ngunit taliwas ito sa ipinakita ng mga miyembro ng LP noong Biyernes sa Club Filipino dahil full force sa tinawag na ‘Gathering of Friends’ para sa pormal na anunsiyo ng endorsement kay Roxas. Pinangunahan nina Senate President Franklin Drilon at Speaker Belmonte ang mga miyembro ng LP na dumagsa sa nasabing event, tulad nina Senador Bam Aquino, Ralph Recto at TG Guingona.

Kompleto rin ang attendance ng mga batang congressman tulad nila Kit Belmonte, Miro Quimbo, Dax Cua, Dan Fernandez, Sam Gullas at Alfred Vargas. Nasipat din sina Iloilo Representative Jerry Treñas, dating Quezon Representative Erin Tañada at kanyang ama na si dating senador Wigberto Tañada.

Emosyonal ang naging pagtanggap ni Roxas sa endorso ni PNoy. Sinabi ni Roxas, “Pakiramdam ko, ipinapasa mo sa akin ang mga ipinaglaban ng iyong mga magulang. Malaking karangalan po sa akin ‘yun, Mr. President.”

Nangako si Roxas na itutuloy ang nasimulan ni PNoy sa Daang Matuwid.

“Isinusumpa ko ngayon, hindi ko dudumihan ang pangalan nila, at lalong hindi ko dudumihan ang pangalan mo,” panata kay Pangulo.

About jsy publishing

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *