Monday , December 23 2024

Hotline isinulong ng ASEAN para sa West PH Sea

PINAG-UUSAPAN ng China at ASEAN ang paglikha ng “hotline” para sa emerhensiya kaugnay ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon kay DFA Spokesman Charles Jose, pinag-usapan ang “hotline” kasabay ng pagpupulong ng senior diplomats mula China at Association of Southeast Asian Nations, sa Tianjin.

Ngunit ayon kay Jose, ibinalik ang usapin sa joint working group at hindi pa naisapinal.

“Although this was agreed in principle as an early harvest measure, it needs thorough discussion,” wika ni Jose.

Nabatid na kabilang sa mga bansa na may claims sa West Philippine Sea ang Brunei, Malaysia, at Vietnam maging ang China, Taiwan at Filipinas.

Ang iba pang bansa na kabilang sa ASEAN tulad ng Indonesia, Cambodia, Laos, Myanmar, Singapore, at Thailand, ay isinusulong ang pagtatag ng “code of conduct” kasama ang China upang maiwasan ang karahasan sa pinag-aagawang teritoryo.

China-Asean hotline welcome sa DND

ISANG magandang development sa panig ng Department of National Defense (DND) kung tototohanin ang balita na ipinalabas ng China at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para magbukas ng hotline na siyang tutugon sa isyu ng pinag-aagawang teritoryo sa bahagi ng South China Sea.

Ayon kay Defense spokesperson Dr. Peter Paul Galvez, ang pagkakaroon ng bukas na communication lines sa pagitan ng China at ASEAN ay isang positibong hakbangin para maibsan ang tensiyon sa disputed islands sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Galvez, importante rito na maging sinsero ang lahat ng claimant countries.

Dahil sa walang humpay na reclamation activities ng Beijing sa South China Sea, uminit ang tensiyon sa lugar.

Dulot ng iba’t ibang untoward incidents sa pagitan ng Chinese coastguard personnel at ng mga mangingisdang Filipino kaya’t lalong umasim ang relasyon ng Filipinas at China.

Teritoryo kayang idepensa ng AFP (Defense capabilities kahit limitado)

TINIYAK ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kayang idepensa ng militar ang teritoryo ng bansa kahit limitado ang military capabilities.

Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief, Col. Noel Detoyato, bagama’t hindi sapat ang defense capabilities ng AFP hindi katulad ng China at iba pang mga bansa na claimants sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea, kayang idepensa ng militar ang teritoryo nito.

Sinabi ni Detoyato, ang pagdepensa sa teritoryo ng bansa ay isa sa mga pangunahing utos sa mga sundalo kaya’t gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para protektahan ito.

Batay sa ipinalabas na dokumento ng Japan Defense Ministry na may titulong “China’s Activities in the South China Sea,” ipinakita ang mahinang military capability ng AFP na napag-iwanan na sa mga bansa gaya ng China, Vietnam at Malaysia partikular sa Naval at Air Force capabilities.

Sa nasabing dokumento, ang Filipinas ay may pinakakaunting warships na nasa 80, ang China mayrong 892, Malaysia 208, at ang Vietnam ay 94.

Sa apat na bansang pawang claimants, ang Filipinas lamang ang walang submarine, at ang may pinakamaraming aircraft ay China na mayroong 2,582; Vietnam mayroong 97, Malaysia 71 at ang Filipinas ay meron lamang 26.

Inihayag din sa nasabing report na ang Filipinas ay bumili ng 12 Korean jet fighters FA-50 noong 2014, na nakatakdang gamitin sa taon 2017 pa.

About jsy publishing

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *