Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Blackwater panalo sa tune-up game sa Las Piñas

080315 blackwater elite

TINALO ng Blackwater Sports ang Las Piñas All-Stars, 98-83, sa isang exhibition game noong Huwebes sa Starmall Alabang gym sa Muntinlupa.

Nagsanib sina Robby Celiz at Raffy Reyes para sa Elite na nagbalik-ensayo sampung araw pagkatapos na maaga silang nagbakasyon mula sa PBA Governors’ Cup.

“This is part of strengthening the team,” wika ni Blackwater team owner Dioceldo Sy. “It’s one way for Ever Bilena and Blackwater in giving back to the community. We found out that this no-to-drugs campaign is good for the current situation where instead of the people be into drugs, they’ll be more aware of sports.”

Idinagdag ni Sy na sasali ang Blackwater sa isang invitational tournament sa Malaysia mula Agosto 28 hanggang Setyembre 6 bilang bahagi ng paghahanda ng Elite para sa bagong PBA season na magsisimula sa Oktubre.

Nangulelat ang Blackwater sa huling PBA season kung saan apat na panalo lang ang naitala ng Elite sa tatlong komperensiya ng liga.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …