GF: Magaling! At sino itong baby na nag-text sa iyo?
BF: A ‘e kum-pare ko ‘yun! Lalaki yun! Baby lang palayaw.
GF: Oh ito reply-an mo. Hindi raw kayo tuloy at may mens daw ang tarantado!
***
Kulas: Kumusta ang bakasyon, Tolome?
Tolome: Masama. Sabado, napilay ang manok ni tiyong, ang ulam namin, tinola.
Linggo, napilay ang baboy, ang ulam namin, litson.
Kanina, napilay si tiyong, ang ulam namin, hindi ko inalam.
Kumain ako sa labas.
***
STUDENT: Ma’am, pagagalitan n’yo po ba ako sa bagay na hindi ko naman ginawa?
TEACHER: Siyempre hindi.
STUDENT: Ayos, ‘di ko po ginawa assignment ko!