Monday , December 23 2024

2-3 pang quake drill kailangan  – MMDA

NANINIWALA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na dalawa hanggang tatlong drill pa ang kailangan para mahasa ang publiko sa paghahanda sakaling tumama ang malakas na lindol.

Ito’y kasunod ng metrowide earthquake drill na pinangunahan ng ahensiya nitong Huwebes, na kanilang idineklarang matagumpay.

Layon ng pagsasanay na maihanda ang publiko kaugnay ng babala ng PHIVOLCS ukol sa malakas na pagyanig sakaling gumalaw ang West Valley Fault.

Pinangangambahang mahigit 30,000 ang posibleng mamatay habang lagpas 110,000 ang masasaktan dito.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino, mas malawak ang saklaw ng susunod na shake drill at isasama na ang Gitnang Luzon at CALABARZON.

Partikular na tinukoy ng opisyal na dapat maghanda ang mga lugar na malapit sa 90-kilometrong fault system tulad ng Bulacan, Sta. Rosa, Calamba at Biñan sa Laguna; at Carmona, Cavite.

Kailangan din aniyang makibahagi sa mga susunod na pagsasanay ang foreign diplomats, batang-lansangan at persons with disabilities pati na ang mga nakatira sa mga home for the aged at high-rise condominium.

Isasama rin sa mga susunod na drill ang pag-antabay sa magiging epekto ng lindol sa La Mesa Dam at posibleng tsunami sa Manila Bay.

Ibinida rin ni Tolentino ang pagtutok ng buong mundo sa Metro Manila Shake drill sa pamamagitan ng social media na nag-trending worldwide at humakot ng 2.1 bilyon na likes.

Ipinakita aniya rito ng mga Filipino na, “Tayo’y naghahanda rin, na tayo’y may kakayahan din ihanda ang ating sarili sa ano mang kalamidad at hindi lang tayo umaasa sa humanitarian international relief.”   

About jsy publishing

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *