Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tanya, pinatigil ang BF sa pag-aaral nang mabuntis

080115 mmk Tanya Garcia Yves Flores
Tanya Garcia at Yves Flores

MAY in December!

Isang matinding istorya ang ihahatid ng MMK (Maalaala Mo Kaya) ngayong Sabado (Agosto 1) dahil sa nagka-ibigang malayo ang agwat ang edad ang gagampanan nina Tanya Garcia at Yves Flores bilang sina Ruby at Engel.

Trenta’y uno na si Ruby nang mahulog ang loob sa kanya ni Engel at nagkabunga pa ito. Pero kaakibat ng pagmamahalang iyon ang mga pagsubok.

Sa paglalim ng kanilang pagkakaibigan, hindi napigilan nina Ruby at Engel na mahulog sa isa’t isa sa kabila ng pagkakaroon ng malaking pagkakaiba ng kanilang mga edad. Ngunit mas susubukin ang pag-iibigan ng dalawa nang nabuntis si Ruby at napilitan si Engel na tumigil sa pag-aaral para harapin ang responsibilidad bilang isang batang ama.

Tunghayan sa kuwento nina Ruby at Engel kung paano pinatatag ng mga pagsubok ang kanilang pag-iibigan at kung paano nila ipinaglaban ang kanilang relasyon mula sa kanilang mga pamilya at kaibigan na hindi sang-ayon dito.

Kasama sa nasabing episode sina Carla Humphries, Tanya Gomez, Allan Paule, Snooky Serna, Ronnie Quizon, Denise Joaquin, Patrick Sugui, at Jon Lucas. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Nick Olanka at panulat ni Benson Logronio.

Tunghayan ang mga aral na ihahatid ng kuwento ng #MMKMyBagitoLover.

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …