Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Norwood pasok sa Gilas

080115 Gabe Norwood

PASOK na si Gabe Norwood sa bagong pool ng Gilas Pilipinas ni coach Tab Baldwin .

Si Norwood ang tanging manlalaro ng Rain or Shine na kasama sa listahan ni Baldwin para sa national team na sasabak sa FIBA Asia Championships sa Changsha, Tsina, mula Setyembre 23 hanggang Oktubre 3.

“Yes, confirmed na si Gabe [ Norwood ] lang ang napagkasunduan ng management na ipahihiram,” wika ng board governor ng Elasto Painters na si Atty. Mamerto Mondragon.

Si Norwood ay dating naglaro sa Gilas sa ilalim ni coach Chot Reyes at kasama niya mula sa ROS sina Paul Lee, Jeff Chan at Beau Belga.

Umayaw na si Belga sa national team dahil sa kanyang pilay sa paa samantalang nasa Amerika si Lee upang bisitahin ang kanyang kamag-anak na may sakit.

Umatras na rin si Japeth Aguilar sa Gilas dahil katatapos lang niyang magpa-opera sa kanyang maliit na daliri sa kanyang kaliwang kamay.

“Japeth will be out for 12 weeks. He has been having that injury since last season pa and he was playing through the pain last conference,” wika ng manager ni Aguilar na si Matthew Espiritu sa panayam ng programang Sportsdesk ng CNN Philippines noong Huwebes ng gabi.

ni JAMES TY III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …