Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LT, nanibago sa Misterless Misis

073115 lorna tolentino misterless misis

MISTERLESS!

Ang witty ng naka-isip ng title na Misterless Misis sa bagong sitcom ng TV5 na tatampukan nina Lorna Tolentino, Ruffa Guitierrez, Gelli de Belen, Ritz Azul, introducing Andie with Ms. Mitch Valdez directed by Mark Meilly sa pakikipagtulungan ng Unitel sa Kapatid Network.

Kaya aliw ang mga bida sa roles na in-assign sa kanila sa issues ng kababaihan. One show na mararamdaman ang women empowerment in the most entertaining of ways.

In a way, naninibago ang dramatic actress na si LT. Kahit na nga raw kasi mostly katatawanan ang eksena, seryoso sila sa pag-memorize ng ilang pahina nilang mga dialogue.

“At saka tuwing eksena ni direk ‘pag medyo nawawala at hindi sumu-swak ang punchline we have to take it again. Kaya parang pelikula ang ginagawa namin.”

But the grandslam actress who is a misterless misis now in real life says the pressures she encounters in her life now have something to do na with her being a “lola” to her Tori.

“Ang dami na kasing gustong gawin. Nag-swimming. Nag-ballet. Gusto maman mag-violin. Kaya alam mo ang inclination. Pero siyempre ang parents ang masusunod d’yan. Kaya alam mo na aral muna.”

Inusisa namin ang pagiging misterless niya ngayon.

“Mahirap, eh. Well, sabi kung may darating na meant for you. Pero ako now, I still talk to Daboy (Rudy Fernandez). I consult him pa rin sa mga decision ko. At kaya nagiging madali, Daboy ‘ata is one of the most organized na tao kasi, whenever I need something like sa mga papeles, files, ang daling nahahanap ni Ralph (Rap-Rap). Pictures, videos, files-na-organize pala niya lahat!”

Eh, ‘di bukod sa pagiging misterless, paperless na rin ang naging focused sa pagiging farmer niya.

Naku, ang dami ng nag-aabang sa pagsisimula nito sa August 9 (Linggo) at 9:00 p.m. sa Kapatid Network.

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …