NASAKOTE ng mga tauhan ni National Bureau Investigation Director Virgilio Mendez sina Francisco Quiamko at Rammel Relos, mga suspek sa pagdukot sa biktimang si Teodorico Ozaeta, negosyante ng Lipa City, Batangas. Itinuturong utak sa pagdukot sa negosyante ang pinsan ng biktima na si Walter Ozaeta, kasalukuyang pinaghahanap pa ng mga awtoridad.
(BONG SON)