Saturday , January 11 2025

Janitress uminom ng asido, naglaslas ng pulso (Amang may tumor nasa ospital, tinanggal sa trabaho at idedemolis ang bahay)

080115_FRONT

HINDI na kinaya ng isang 38-anyos janitress ang patong-patong na mga problema kaya winakasan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng muriatic acid at paglaslas ng pulso kamakalawa ng umaga sa Valenzuela City.

Kinilala ang biktimang si Jennifer Bagaporo, ng 74-C. Ubas St., San Miguel Heights, Brgy. Marulas ng nasabing lungsod, natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanilang bahay.

Sa ulat ni Senior Supt. Audie Alolor Villacin, hepe ng Valenzuela City Police, dakong 11 a.m. nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa tabi ng basyong bote ng asido at duguang kutsilyo.

Salaysay ng kapatid ng biktima na si Johnny, iniwan niya ang kanyang ate sa kanilang bahay dakong gabi upang magtungo sa ospital kung saan naka-confine ang kanilang ama dahil sa tumor sa leeg.

Pagbalik dakong hapon kinabukasan ay nagtaka siya kung bakit naka-lock ang pinto ng bahay. Ilang beses siyang kumatok ngunit walang nagbubukas kaya sapilitan niyang binuksan at nabungaran ang patay nang biktima.

Batay sa imbestigasyon ni SPO3 Armando Delima, natanggal sa kanyang trabaho ang biktima na labis niyang dinamdam.

Dagdag pa sa problema ng biktima ang amang nasa ospital dahil sa tumor at nakatakdang gibain ang kanilang bahay dahil tinamaan ng road widening na isinasagawa sa lungsod.

ni ROMMEL SALES

About Rommel Sales

Check Also

Rank no 9 MWP ng Laguna arestado

Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado

NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint …

Arrest Shabu

3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 …

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP 17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …

SM Foundation PRC FEAT

SM Foundation, PRC Qc Chapter join hands to establish clinical laboratory

PRC QC Chapter Gov. Ernesto S. Isla, SMFI Executive Director for Health & Medical Programs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *