Aries (April 18-May 13) Kamangha-mangha ang iyong dedikasyon sa iyong mga tauhan, at makatutulong sa iyo ang iyong amazing energy ngayon sa paggabay sa kanila sa tamang direksyon.
Taurus (May 13-June 21) Hindi mo mababatid kung saan matatagpuan ang mura o magagandang paninda, saang pamilihan ka man magtungo.
Gemini (June 21-July 20) Bisitahin ang isang kaibigan ngayon – isang taong medyo malayo kaysa iyong mga kagrupo.
Cancer (July 20-Aug. 10) Hindi mo maaaring hayaang ang iyong puso ang mangibabaw sa iyong utak ngayon, bagama’t natutukso ka.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Naaakit sa iyong great personal energy ang tamang mga tao ngayon – kaya umasa nang magandang pakikipagkwentuhan.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Ikaw ay inspirado ng kabutihan ngayon – kaya lumabas ka at gumawa ng bagong bagay.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Ikaw at ang iyong matalik na kaibigan at inyong mga pamilya ay lalong nagkakalapit.
Scorpio (Nov. 23-29) Suriin ang iyong kalusugan ngayon – maaaring dapuan ka ng sipon. Uminom ng maraming tubig, Vitamin C at magpahinga.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) May kakayahan kang makisalamuha sa mga bata. Magagawa mong libangin ang mga paslit maging ang mga matatanda.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Ang iyong isip ay nasa worst-case scenarios ngayon. Tiyaking mapaghahandaan mo ito.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Bagong impormasyon ang darating sa iyo, maaaring sa dakong hapon.
Pisces (March 11-April 18) Isang bagay ang hindi tama ngayon – maaaring maniwala ka sa isang bagay na hindi totoo, o kailangan mong kompirmahin na may isang taong humahadlang sa iyo.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Bagama’t ikaw ay pagod na, ipagpatuloy ang paghahanap ng bagong mga opsyon.
ni Lady Dee