Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Romeo, Taulava sumipot sa unang ensayo ng Gilas

073115 asi taulava terrence romeo gilas

KASAMA sina PBA Most Improved Player Terrence Romeo at ang sentro ng North Luzon Expressway na si Asi Taulava sa mga manlalarong sumipot sa unang ensayo ng bagong Gilas Pilipinas ni coach Tab Baldwin noong Lunes ng gabi sa Meralco Gym sa Ortigas, Pasig City.

Ayon sa ulat ng www.spin.ph, magaan lang ang ensayong itinawag ni Baldwin para sa mga manlalarong nais alisin ang kanilang kalawang ngayong matagal na off-season ng PBA.

“It’s awesome. It’s a great feeling to be back with the guys in the national pool,” wika ni Taulava sa panayam ng www.interaksyon.com/interaktv. “I’m super excited to learn from Coach Tab.”

Bukod kina Romeo at Taulava, dumalo rin sa ensayo sina JC Intal ng Barako Bull, Sonny Thoss at Dondon Hontiveros ng Alaska, mga dating miyembro ng Gilas na sina Jayson Castro at Ranidel de Ocampo ng Talk n Text at Gary David ng Meralco, pati na rin sina Matt Ganuelas-Rosser ng TNT at Troy Rosario ng Sinag Pilipinas.

Nanatili sina Romeo at Rosario sa ensayo ni Baldwin pagkatapos ng kanilang hiwalay na ensayo para sa FIBA 3×3 Manila Masters leg na gagawin sa Robinson’s Place Manila bukas at sa Linggo.

Tumulong kay Baldwin sa ensayo si Alaska head coach Alex Compton, patunay na kasama na nga si Compton sa coaching staff ng Gilas na sasabak sa FIBA Asia Championships sa Tsina sa Setyembre.

Nandoon din ang ibang mga dating assistants ni Chot Reyes sa Gilas coaching staff na sina Norman Black, Jong Uichico at Nash Racela.

Hindi pa dumadalo sa ensayo si Calvin Abueva ng Alaska ngunit inaasahang darating siya sa mga susunod na araw.

Kahit nag-ensayo na ang mga manlalarong nabanggit ay tuloy pa rin ang plano ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na ilabas ang buong listahan ng bagong pool ng Gilas sa Lunes, Agosto 3.

Inaasahang darating bukas si Andray Blatche mula sa Tsina para mag-ensayo sa Gilas.

Pinabulaanan din ni Blatche ang balitang lumabas sa isang pahayagan kung saan pinagbawalan daw siya ng isang koponan sa Tsina na maglaro sa Gilas.

Naunang umayaw sa imbitasyon sa Gilas sina June Mar Fajardo, Marc Pingris, LA Tenorio at Marcio Lassiter dahil may iba silang inaasikaso.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …