Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Middleton, Burks excited sa bagong NBA season

NAGING matagumpay ang pagbisita sa Pilipinas ng dalawang bagong stars ng NBA na sina Kris Middleton at Alec Burks sa Pilipinas para sa programang NBA Fit na itinaguyod ng liga taun-taon.

Sa harap ng ilang mga manunulat sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong noong Miyerkules, parehong sinabi nina Middleton at Burks na magiging contender ang kani-kanilang mga koponan sa bagong NBA season na magbubukas sa Oktubre.

Si Middleton ay kasama sa Milwaukee Bucks na natalo sa unang round ng Eastern Conference playoffs kontra sa Chicago Bulls habang si Burks ay kasama naman sa Utah Jazz na inaasahang hahamon sa defending champion Golden State Warriors sa Western Conference.

“We want to build on from what we did last season. We need to close out games,” wika ni Middleton na nag-average ng 13.4 puntos sa 79 na laro para sa Bucks at Detroit Pistons. “I’m glad the team is staying at Milwaukee next season with a new arena and it’s great for the team to be here in the long run.”

Si Middleton ay pinsan ng dating PBA import na si Josh Powell na naglaro para sa Barangay Ginebra noong 2012.

“My cousin loves the Philippines and he told me a lot of stories when he played here,” ani Middleton.

Si Burks naman ay kagagaling lang sa kanyang pilay sa balikat na naging dahilan kung bakit tumagal lang siya ng 27 na laro para sa Jazz noong huling season kung saan nag-average siya ng 13.9 puntos bawat laro. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …