Monday , November 18 2024

Ginamit ang katotohanan sa pagpapalaganap ng kasinungalingan

USAPING BAYAN LogoHABANG binabasa ko ang huling State of the Nation Address (SONA) ng espesyal na pangulong si Benigno Simeon Aquino III ay napatanga ako sa husay niyang gumamit ng katotohanan para itago ang malalim na katotohanan.

Kung susuriing mabuti ang mga sinabi at hindi sinabi ni BS Aquino sa kanyang mahigit dalawang oras na pagsasalita sa harap ng bayan ay kapansin-pansin na iniisa-isa niya ang kanyang mga “accomplishment” sa panahon ng kanyang mala-student council na panunungkulan. Diniinan niya ang mga “tagumpay” ng kanyang administrasyon laban sa corruption at iniyabang ang pagtaas ng ating rating sa mga pangdaigdigang nagpapautang ng kapital.

Tulad nang dati ay sinisi niya si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa lahat ng mga kapalpakan na nangyari sa ating bansa kahit mahigit limang taon nang tapos ang rehimen ng ginang na kanyang titser sa pamantasan. Masasabing ang summa total ng mga sinabi ni BS Aquino ay ganito: “higit na mabuti ang lagay natin ngayon kumpara sa panahon ni Gng. Arroyo.”

Kalahati lamang ng katotohanan ang mga sinabi niya. May mga katotohanang tila sinadya niyang hindi banggitin para siguro mapagtakpan na tayo’y nagtatampisaw pa rin ngayon sa kahirapa’t kawalan ng katarungan. Tingnan natin ang ilang halimbawa.

Paano kaya niyang nasasabi na umangat na tayo mula sa kahirapan? Bulok ang kalagayan ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT), marumi ang kalakaran sa Land Transportation Office, walang kalayaan sa pagkalap ng impormasyon, kaawa-awa ang pamumuhay ng ating mga magsasaka, manggagawa, guro at sundalo, unti-unting nabibiyak ang mga teritoryo ng bansa mula sa West Philippine Sea hanggang sa Mindanao dahil sa kahinaan ng ating diplomasya at lantarang pagbebenta ng soberenya ng bansa sa lilim ng gimik na panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.

Pansinin na wala pa ring katarungan para sa “Fallen 44” at patuloy na namamayagpag ang corruption sa hanay ng mga kakampi ni BS Aquino. Walang tunay na industriyalisasyon at reporma sa agrikultura. Patuloy ang ating pagluluwas ng lakas paggawa at sa katunayan ito ang pinakamalaking industriya ng bansa sa ngayon.

Tumaas nga ang Gross Domestic Product (ito yung halaga ng mga produkto at serbisyo) pero naramdaman ba natin ang epekto nito? Ayon sa mga pag-aaral, ang nakikinabang lamang sa pag-angat ng ekonomiya ay ‘yung 100 mayayaman at maimpluwensyang pamilya na may control sa yaman ng bansa.

Iyan ba ang sinasabing umuunlad tayo?

May palagay ako na ang lagay ni Juan dela Cruz ay hindi nagbago bagkus lalong lumala pa sa panahon ng student council ni BS Aquino. Kailangan lang na manood tayo ng balita sa TV, magbasa ng mga pahayagan, makinig ng radyo, silipin ang mga social network o lumakad sa mga pangunahing lansangan ng bansa para makita ang mga sinasabi ko. Ang husay magtagni-tagni ng katotohanan ng administrasyong ito para pagtakpan ang kanyang kapalpakan.    

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=ts para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *