Friday , November 15 2024

Empleyado ng coal fired power plant utas sa 500 kgs crane hook

ILOILO CITY – Tiniyak ng Panay Energy Development Corporation (PEDC) ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa pamilya ng kanilang trabahador na namatay makaraan mabagsakan ng hook ng crane.

Ang insidente ay nangyari sa site ng coal fired power plant sa Ingore, Lapaz kamakalawa.

Ang biktima ay kinilalang si Bernabe Molito, 56, tubong Limay, Bataan.

Tinatayang nasa 500-700 kilograms ang bumagsak na hook ng crane sa biktima na naging sanhi ng agaran niyang pagkamatay.

Kasunod ng aksidente, nire-review na ngayon ng kompanya ang kanilang ipinatutupad na safety measures sa coal plant at tiniyak na lalo pa nilang hihigpitan ang pagpapatupad nito para hindi na maulit ang kaparehong insidente.

Nakatakdang isailalim sa autopsy examination ang bangkay ng biktima bago dalhin sa kanilang lugar sa Bataan.

About jsy publishing

Check Also

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *