Aries (April 18-May 13) Masisira ang iyong mood dahil sa isang kaibigan ngayon. Huwag itong hahayaang mangyari. Iiwas ang sarili sa kanya.
Taurus (May 13-June 21) Ikaw ay naiipit sa pagitan ng dalawang kaibigan. Ang tanging solusyon ay iiwas ang iyong sarili sa kanila.
Gemini (June 21-July 20) Walang ano-ano’y ang lahat ng bagay ay baligtad na. Maaaring matagal bago mo muling maibalik sa normal ang sarili.
Cancer (July 20-Aug. 10) Hinahayaan mong matakpan ng mga detalye ang big picture. Lumayo at masusi itong pagmasdan.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Ang suportang iyong dating inasahan ay naglaho na. Ngunit ang nakatatawa, hindi mo man lamang ito nami-miss.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Upang matagpuan ang iyong patutunguhan, kailangan mo nang maayos na mapa at reliable guide.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Ang sitwasyong iyong kinasanayan ay magbabago nang hindi mo inaasahan.
Scorpio (Nov. 23-29) Karapatan mo ring magpahinga, at batid ito ng bawa’t isa. Manatili lamang sa kama kung iyong nanaisin.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Paubos na ang iyong enerhiya. Kailangan mong mag-recharge.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Pakiramdam mo, tumatakbo ka lamang sa iisang lugar. Ngunit kung iyong susuriin, sumusulong ka naman.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Sinasabi ng iyong instinct na manatiling uncommitted. Huwag balewalain ang gabay na ito.
Pisces (March 11-April 18) Wala kang patutunguhan kung nakapikit ang iyong mga mata. Buksan ang mga ito at tumingin sa paligid.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Isang bagay ang hindi tama ngayon – maaaring maniwala ka sa isang bagay na hindi totoo, o kailangan mong kompirmahin na may isang taong humahadlang sa iyo.
ni Lady Dee