Damian – Father, ba’t may nakasampay na mga damit pambabae sa likod ng kumbento? May chicks kayo ‘no?
Priest – Hoy, tumigil ka Damian! Sa kuripot n’yong mag-abuloy sa simbahan tumatanggap na ako ng labada ngayon.
First timer
Bagong salta sa Manila si Ambo at first time na nag-taxi. Pag-upo sa taxi ay sampung piso agad ang unang patak ng metro. Napatayo siya upang kunin ang pitaka sa likurang bulsa at tingnan kung may sapat si-yang pera. Naging dalawang piso naman ang sumunod na patak ng metro. Napansin ng driver na nakatayo pa rin si Ambo.
Driver – Sir, upo muna kayo at malayo pang biyahe natin.
Ambo – E, sampung piso ang patak ng metro pag nakaupo at dalawang piso lang pag nakatayo. Tatayo na lang ako para makatipid.