Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Salutatorian Krisel Mallari maaari nang magkolehiyo

MAKAPAPASOK na sa kolehiyo si Krisel Mallari, ang salutatorian sa kumalat na kontrobersyal na video na pinigil ng mga opisyal ng kanyang paaralan sa kanyang pagtatalumpati sa graduation ceremony. 

Ito’y matapos utusan ng Court of Appeal (CA) ang Santo Niño Parochial School (SNPS) na bigyan si Mallari ng certificate of good moral character. 

Matatandaan, pinigil ang talumpati ni Mallari sa kanilang graduation ceremony nang kuwestiyonin niya ang sistema sa pagpili ng valedictorian at salutatorian gayong karapat-dapat siyang magtapos na nangunguna sa kanilang klase.

Dahil umnao sa inasal ni Mallari kaya tumanggi ang SNPS na bigyan siya ng Certificate of Good Moral Character. 

Ang naturang sertipikasyon ay isa sa mga requirement para makapasok si Mallari sa University of Sto. Tomas (UST) na nakapasa siya para kumuha ng kursong accountancy.

Nagbunsod ito para tumakbo sa CA ang pamilya ng estudyante at kuwestyonin ang aksyon ng paaralan. 

Sa resolusyon ng ikalawang dibisyon ng CA, inaprubahan ang hiling ni Mallari na temporary restraining order (TRO). 

Paliwanag ng korte, sa Agosto 2015 na ang pasukan sa UST kaya mahalagang matanggap agad ng SNPS ang kanilang resolusyon. 

Inutusan ng korte ang SNPS na magsumite ng komento sa loob ng 10 araw. Makaraan ito, magsusumite ang kampo ni Mallari ng tugon sa loob ng limang araw.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About jsy publishing

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …