Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Racal Motors nais sumali sa PBA

020415 PBAKINOMPIRMA ng isang opisyal ng Racal Group of Companies ang pagnanais nitong sumali sa PBA bilang expansion team ngayong taong ito.

Sinabi ng team manager ng Racal na si Nick Capurnida na isinumite ng kompanya ang bagong letter of intent kay bagong PBA Commissioner Chito Narvasa noong Huwebes tungkol sa planong pagiging bagong koponan sa liga.

“Nag-submit kami ng follow-up letter last week. Panibagong letter of intent kasi bago na commissioner eh,” wika ni Capurnida. “Hindi kami hihingi ng concession. Basta ang amin lang gusto naming makapasok sa PBA. Yung letter of intent namin purely signifying our interest lang to join. Kung ano concession ibibigay nila, okay kami.  Gusto talaga naming mag-PBA so sana this time, mapansin na nila application namin. Willing naman kaming suportahan ang team namin. They can double check naman our company.”

Ang Racal ay may-ari ng ilang mga motorsiklo at maliit na kotse, pati na rin ang ilang mga household tiles.

Katunayan, may tig-isang koponan ang Racal sa PBA D League at Filsports Basketball Association.

Naunang nagpahayag ng interes ang Hapee Toothpaste na sumali rin sa PBA.

Samantala, sinabi ng team owner ng Blackwater Sports na si Dioceldo Sy na hindi dapat magmadali ang PBA sa pagkuha ng mga dagdag na expansion teams.

“The PBA should allow Blackwater and Kia to strengthen their team muna. Otherwise, too much lopsided games will kill the PBA,” ani Sy.  ”Kailangan hayaan muna nila kaming lumakas, kasi makikita mo naman kapag naglalaro ang  Kia or Blackwater, halos walang nanonood kasi alam na ng mga tao yung mangyayari na tambakan.”

Magpupulong ang PBA board of governors sa Tokyo, Japan, sa Agosto 7 upang pag-usapan ang planong expansion ng liga.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …