TINIYAK ni PNP chief, Director General Ricardo Marquez na ipagpapatuloy ng PNP-CIDG ang imbestigasyon kaugnay sa sinasabing pagdukot sa ilang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo kahit mailap s
Nananatiling bukas ang CIDG sa pagtanggap ng reklamo kaugnay nang hindi mamatay- matay na impormasyon ng sinasabing pagdukot sa ilang miyembro ng INC.
Ayon kay Marquez, hanggang ngayon, walang naghaharap ng reklamo kahit man lamang kaanak ng mga nawawalang tao o mga dinukot na biktima.
Sinabi ng heneral, sa kaso ng insidente sa Dasmariñas, Cavite, na nakulong ang isang ministro ng Iglesia at nagbanta gamit ang isang granada, pinakawalan siya ng pulisya makaraan iurong ng mga complainant ang kaso.