Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagdilao new NCRPO chief

KINOMPORMA ni PNP chief , Director General Ricardo Marquez na si outgoing Quezon City Police District (QCPD) chief Joel Pagdilao ang napili bilang bagong commander ng National Capital Region Polcie Office (NCRPO) na binakante nang magretiro si Police Director Carmelo Valmoria.

Ngunit wala pang sinabing kapalit ni Pagdilao bilang hepe ng Quezon City police.

Pansamantala munang itatalaga bilang OIC chief ng QCPD si S/Supt. Danilo Bautista, ang deputy chief for administration, habang wala pang itinatalagang permanenteng hepe.

Si Pagdilao ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) class of 1984.

Bago pa naging QCPD chief si Pagdilao, siya ay naging deputy chief ng QCPD.

Dahil sa ipinamalas na magandang performance sa kanyang trabaho partikular ang kampanya laban sa kriminalidad sa Quezon City kung kaya’t napili si Pagdilao na maging commander ng NCRPO.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About jsy publishing

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …