Friday , November 15 2024

Palasyo dumepensa

IDINEPENSA ng Malacañang ang pagiging mahaba ng huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr., desisyon ng Pangulo na gawing komprehensibo ang laman ng kanyang huling SONA.

Layon din aniyang maipaunawa sa taumbayan ang mga ipinatupad na reporma ng Aquino administration sa nakalipas na limang taon.

Matatandaan, umabot nang mahigit dalawang oras ang SONA ng pangulo na kinapalooban ng pagpapasalamat sa lahat ng mga tumulong sa kanya sa trabaho o personal man.

Depensa ni Secretary to the Cabinet Rene Almendras, tinatrabaho pa ng gobyerno kaya hindi nabanggit sa SONA kabilang ang Freedom of Information Bill at sitwasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa kalihim, hindi rin naisali sa SONA ang ilang proyekto sa ilalim ng Public-Private Partnership Program dahil hindi pa tapos.

Sa isyu ng Mamasapano incident, sinabi ni Almendras na ipinauubaya na ito ni Aquino sa husgado.

About jsy publishing

Check Also

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *