Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mike Arroyo rumesbak sa banat vs GMA

BUMUWELTA si dating first gentleman Mike Arroyo sa muling pag-upak ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kanyang misis na si dating presidente at ngayo’y Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Arroyo, walang nagawa si Aquino kaya pinagdidiskitahan ang dating pangulo sa State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes.

Giit niya, hindi wasto ang mga pahayag ni Aquino na gumamit pa aniya ng mga hindi kilalang tao para iangat ang sarili.

Sa mahigit dalawang oras na SONA, tahasan pa ring sinisi ni Aquino ang sinundang administrasyon.

Ayon sa dating first gentleman, self-serving, walang laman at pawang propaganda ang talumpati ng pangulo.

Kasinungalingan din aniya ang mga ibinida ni Aquino na kawalan ng backlog sa textbooks at classroom.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About jsy publishing

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …