Hindi pala kaagad napapayag si Michael Pangilinan nang dumating sa kanya ang offer ng Gantimpala Theater Foundation through director Franniel Zamora para gampanan ang katauhan ni Crisostomo Ibarra sa Kanser @ 35 The Musical.
Ang feeling daw kasi ni Michael, hindi niya kakayanin ang awitin sa mga piyesa mula sa libretto ni Jomat Fletas na lalapatan ng musika ni Jed Balsamo.
“Kasi Tita, mala-pop, R&B at ballad din ang mga kinakanta ko. Kaya noong sabihin ni tito Jobert (Sucaldito) na musical ang sasalangan ko, natakot ako. Inisip ko agad hindi ko kaya.”
But it was direk Frannie who saw and heard him sa program ni Jobert at Ahwel Paz na Mismo kaya siya agad ang naisip na ilagay sa nasabing role na sa nasabing programa rin nakita ang alternate niyang si Jacob Benedicto. Si Myramae Meneses ang gaganap sa katauhan ni Maria Clara.
“In-explain sa akin ni tito Jobert how important the musical is. Sinabi niya na subukan ko at malalaman ko naman if ‘am fit to do it or not. Eto na. Ang dami ko nang natutuhan sa mga kasama ko and I fell in love with the theater! Niyakap ko na siya ng mahigpit!”
Matutunghayan ang Kanser… sa August 28 at 29 sa AFP Theater, 9:00 a.m., 12:00 p.m., at 3:00 p.m..
Sinampolan na kami ng tatlong bida ng kanilang Awit ng Pagkikita. Ang eksena sa lawa sa pagkikita noon nina Ibarra at Maria Clara.
First try ni Michael sa siguradong darami pang salang niya sa lehitimong entablado.
Kasabay nito ang ginagawa niyang pelikula naman with direk Joven Tan na ang Superstar na si Nora Aunor naman ang kanyang ka-eksena!
Puregold Padala, tila ikalawang tahanan
SECOND home!
Is what our OFWs would feel sa pag-avail nila sa bagong remittance service na handog ng Puregold Priceclub, Inc. para sa ating mga bagong bayani.
Ito ang kanilang Puregold Padala na ang layon ay maibigay sa mga pamilya ng OFWs ang eksaktong pangangailangan sa buhay.
Kaya kung groceries ang kailangan ng nagpapadala, agad nila itong makukuha sa Puregold chain of supermarkets. Kung para sa tuition naman, nakipag-ugnayan na ang Puregold sa ilang paaralan para sa paggagamitan.
Ang idolo ng mga OFW sa buong mundo na si Gary Valenciano ang napisil ng Puregold para maging endorser ng Pure Padala na siyang umawit ng theme song.
Sa tulong ng GlobeGCash, magdedesisyon ang mga OFW sa allocation ng kanilang pera padala para sa pamilya sa pamamagitan ng text na nakalagay na ang breakdown ng perang kanilang makukuha. Kaya tiyak hindi masasayang at mapupunta sa tama.
Marami na sa mga naka-avail nito ang natuwa at nagsabing tila nagkaroon sila ng second home sa Puregold PurePadala dahil sa kasiguruhan na sakto, mismo, walang kulang!
HARDTALK – Pilar Mateo