Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jovit Baldivino, sasabak na rin sa pelikula!

072915 Jovit

00 Alam mo na NonieBUKOD sa pagiging singer, lalabas na rin si Jovit Baldivino sa pelikula via Beauty and The Bestie na tatampukan nina Coco Martin at Vice Ganda. Isa itong action-comedy na entry sa 2015 MMFF at pamamahalaan ni Direk Wenn V. Deramas.

Unang pelikula ito ni Jovit at aminado siyang excited dahil dito. “Napakasaya ko po. Si Vice po yung nag-recommend sa akin dito. Sobrang nakakataba po sa damdamin, ang sarap isipin na hindi naman ako artista, pero ayun magkaka-movie.

“Iyong gagawin naming role dito is challenge talaga sa akin. Kasi tatlo po kami dito, tatlo po kaming singers. Ako po, si Marcelito Pomoy and Bugoy Drilon, kasama ko ho sila rito,” saad niya.

Sinabi rin ng first winner ng Pilipinas Got Talent ang kanyang favorite na action star.”Kasi po kahit po naman sa ngayon, hindi pa rin nawawala sa akin, kasi po madalas kong mapanood pa rin sa cable, lagi po talagang Robin. Plus siyempre po, dalawa po yung idol ko kasi sa action e, pati si FPJ po, si the King. So, ang favorite ko pong action star talaga ay sina Robin at FPJ!”

Hinggil naman sa kanyang latest album, pinamagatan itong Juke Box. Tampok dito ang covers ng sikat na Pinoy jukebox hits – ang Nanghihinayang ng Jeremiah at Honey My Love So Sweet ni April Boy Regino. Kabilang din sa track list angForbidden at ang original tracks na Low Batt, Bumangon Tayo, Bangon Pilipino, Apoy, Itong Aking Mundo, Hanggang Mayroong Bukas, at Love na Love Kita.

Bonus tracks dito ang Pusong Bato at Himig Handog PPop Love Songs na Sana’y Magbalik at Dito. Mabibili na ito sa record bars nationwide sa halagang P250. Maaari na ring madownload ang digital tracks sa pamamagitan ng online music storestulad ng iTunes, Mymusicstore.com.ph, Amazon.com, at Starmusic.ph.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …