Sunday , December 22 2024

Jomar Tañada, biggest break ang musical play na #Popepular

072915 Jomar

00 Alam mo na NonieAMINADO ang stage actor na si Jomar Tañada na biggest break niya ang musical play na #Popepular na tinatampukan ng award winning aktor-director-playwright na si Vince Tañada. Si Jomar bale ang alternate ni Direk Vince dito, kaya mabigat na responsibilidad ito para sa kanya.

“I was overwhelmed nang malaman ko na ako ang magiging alternate ni Direk vince ngayong season. Na-excite din naman po ako at natuwa sa balitang iyon.

“Nang nalaman ko ito, nag-prepare na agad ako for the role. Nag-enroll agad ako for voice training para mas ma-enhance pa yung singing skills ko. Tapos para makahabol sa body frame ni Pope Francis, nag-extensive training ako sa gym. At kasabay niyon ay nag-strict diet ako.

“Sa pag-aaral naman sa role, nanood ako ng clips ni Pope Francis. Pinag-aralan ko yung mga kilos at kung paano siya magsalita at maglakad. Nagbasa ako ng articles at books ukol sa kanya. Puspusang pag-aaral po talaga, available naman ang resources sa internet,” saad ni Jomar.

May ibinigay bang advice si Direk Vince, para sa role mong ito?

“Bilang mentor naming lahat, naging hands-on si direk sa amin. Lalo na po sa mga ganitong panahon. Marami po siyang naibigay na advice kung papaano i-interpret ang songs namin individually, pati kung papaano ica-characterize po si Pope Francis and si Jorge Mario Bergogolio, bago maging Pope Francis.

“Nag-extensive character analysis din po si direk. Lagi po siyang generous sa pagbibigay ng payo in terms of our craft. Nandoon siya palagi para gabayan kami at tulungan kami in every step of the way.”

Si Jomar ang isa sa pambato ng Philippine Stagers Foundation na halos 13 years na sa teatro. Kabilang sa mga musical play na nasalihan niya ang Cory ng EDSA, Enzo Santo, Troy Avenue, Desaparecidos, Pedro Calungsod, Filipinas 1941,Bonifacio. Isang Zarsuela, at iba pa.

Ang #Popepular ay pinamamahalaan, isinulat, at pinagbibidahan ni Direk Vince at mula sa musika ni Pipo Cifra. Ito ay isang experimental musical play na ginawang Filipino si Pope Francis. Dito’y isang pambihirang twist ang mararanasan ng mga Filipino dahil makikita rito ang iba’t ibang buhay ng limang makabagong bayaning Filipino at kung sino si Pope Francis para sa mga Filipino.

Bukod kina Direk Vince at Jomar, tampok dito sina Bernardo Bernado, Patrick Libao, JV Cruz, Cindy Liper, JP Lopez, Chin Ortega, Kenneth Sadsad, at iba pa.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *