Sunday , December 22 2024

Chris Brown ipina-subpoena sa estafa case

NAGPALABAS na ng subpoena ang Department of Justice (DOJ) para sa American RnB superstar na si Chris Brown, apat na araw pa lamang ang nakararaan mula nang payagang makaalis sa Filipinas.

Ito ay kaugnay sa $1 milyon (P44 milyon) estafa complaint na isinampa ng isang religious sector laban sa 26-year-old Grammy nominated singer at sa kanyang concert promoter.

Sa subpoena na pirmado ni Assistant State Prosecutor Christine Marie Buencamino, nakasaad na itinakda sa Biyernes, Hulyo 31, dakong 2 p.m. ang preliminary hearing sa DoJ.

Ayon kay Buencamino, pagkakataon ito ni Brown o ng kinatawan niya na masuri ang mga ebidensiyang isinumite ng complainant na Maligaya Development Corporation hinggil sa pag-isnab sa New Year countdown noong nakaraang taon sa Philippine Arena gayong bayad na raw ang buong talent fee.

Puwede aniyang isnabin ng dalawa ang subpoena ngunit mapalalampas din ang tsansa para sagutin ang mga alegasyon at idepensa ang sarili.

“You are hereby WARNED that failure on your part to comply with the subpoena shall be considered as a waiver of your right to be furnished copies of the complaint, supporting affidavits and supporting documents, as well as to examine all other evidence submitted by the complainant,” bahagi ng subpoena.

Una nang tiniyak ni DOJ Sec. De Lima na tuloy ang preliminary investigation sa kaso ni Brown kahit wala na siya sa bansa.

Nabatid na agad nag-party ang “Forever” singer pagdating sa Macau, habang naiwan pa rito ang concert promoter at naka-detine dahil sa paglabag sa dalawang immigration laws.

Nitong Hulyo 21 nag-concert sa Filipinas si Chris Brown at maraming local celebrities  ang naki-jamming.

About jsy publishing

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *