Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sundalo, 2 NPA patay 6 sugatan sa sagupaan

DAVAO – Nagpapatuloy ang pursuit operations ng mga sundalo laban sa mga rebelde sa Sitio Camarin, Napnapan, Pantukan, Compostela Valley Province makaraan ang enkwentro na ikinamatay ng tatlo katao.

Sa nasabing sagupaan, patay ang isang sundalong miyembro ng 71st Infantry Battalion Philippine Army, at dalawang hindi pa kilalang miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Capt. Alberto Caber, Public Information Officer ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom), nasasagawa ang mga sundalo ng security patrol nang paulanan sila ng bala ng hindi kukulangin sa 50 NPA sa pamumuno ni alyas Ka Maruz.

Sinabi ni Caber, ang dalawang namatay na NPA ay dinala ng kanilang mga kasamahan at itinago sa loob ng kagubatan.

Bukod sa paghahabol sa tumakas na mga NPA, hinahanap din ng mga sundalo ang bangkay ng dalawang rebelde upang mailibing at maisama sa kanilang ‘documentation.’

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About jsy publishing

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …