Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arraignment ng ex-Chief Justice muling iniliban (Sa tax evasion case)

MULING iniliban ang arraignment sa tax evasion case na kinakaharap ni dating Chief Justice Renato Corona.

Ito na ang ika-10 beses na ipinagpaliban ng Court of Tax Appeals ang arraingnment ng impeached chief justice.

Itinakda sa Setyembre 7 ang arraignment ni Corona.

Ayon sa Court of Tax Appeals, may nakabinbing petition for review ang depensa na inihain sa court en banc.

Iginiit ng abogado ni Corona na si Atty. Rean Balisi, na-arraign na ang dating punong mahistrado para sa paglabag sa Section 255 ng Internal Revenue Code kaya hindi siya maaring basahan ng sakdal sa mga paglabag sa Section 254 at 255.

Samantala, ibinasura ng Court of Tax Appeals ang mosyon ng depensa na ipagpaliban ang preliminary conference at pre-trial sa kasong paglabag ni Corona sa Section 255 ng Internal Revenue Code.

Nagpasya ang korte na tuloy ang preliminary conference kahapon at ang pre-trial na itinakda sa Hulyo 29, araw ng Miyerkoles.

Dumalo sa pagdinig kahapon si Corona kasama ang maybahay niyang si Cristina.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About jsy publishing

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …