Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kailangan ng liwanag

USAPING BAYAN LogoKUNG talagang tatakbo si Senadora Grace Poe-Llamanzares para sa pagka-pangulo ng bansa ay dapat niyang linawin ang mga datos na itinala niya nuong Oktubre 2012 sa kanyang Certificate of Candidacy (COC) para sa Commission on Elections kaugnay ng kanyang pagpaparehistro bilang kandidato para sa pagka-senador ng republika. Marami kasi ang nagdududa na sa kanya.

Dangan kasi naka-tala duon sa kanyang COC na bago ang araw ng eleksyon nuong May 13, 2013 siya ay naninirahan na sa ating bayan sa loob ng anim na taon at anim na buwan. Matatandaan na isang U.S. citizen ang senadora hanggang bago siya naitalaga bilang pinuno ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) nuong 2010.

Gayun man ay may mga hindi kumpirmadong ulat na ginamit pa senadora ang kanyang US passport hanggang nuong 2012. Kung totoo ito  lumalabas na hindi niya itinakwil ang kanyang US citizenship nuong 2010 at malinaw na isa itong paglabag sa batas dahil tinanggap niya ang MTRCB appointment mula sa espesyal na pangulong si Benigno Simeon Aquino III kahit siya ay isang American citizen.

Pero ipagpalagay na natin na si Senadora Poe-Llamanzares ay Filipino citizen mula nang naging naturalized Pilipino siya nuong 2010. Sabihin na rin natin na tama ang haba na inilagay niyang panahon ng pamamalagi sa Pilipinas sa kanyang COC. Lumalabas ngayon na siyam na taon at anim na buwan pa lamang siyang naninirahan sa Pilipinas hanggang sa pagdating ng araw ng 2016 elections sa buwan ng Mayo.

Ayon sa Article VII, Section 2 ng kasalukuyang 1987 Constitution, kailangang na ang isang magiging pangulo ng bansa ay sampung taon ng naninirahan sa Pilipinas. Malinaw na hindi uubrang tumakbo si Senadora Poe-Llamanzares sa pagkapangulo o ikalawang pangulo ng bansa dahil kulang ng anim na buwan ang kinakailangang panahon ng kanyang paninirahan sa Pilipinas.

Ewan ko kung paano niya ipapaliwanag ito. Baka sasabihin niya na “honest mistake” ang pagkakalagay ng anim na taon at anim na buwan sa kanyang COC pero kwestyunable na sa ngayon ang depensang yan. Siguro mas mainam na sa 2022 na lang siya tumakbo para sa Malacanang.

* * *

Isa pang dapat nating malinawan ay ang mga ulat kung paano diumano tinatrato ng Iglesia ni Cristo ang mga kasapi nito na nagbunyag ng mga umano’y katiwalian sa loob ng simbahan.

Dangan kasi nababalita na may mga dinudukot na ministro, hina-house arrest o kinukuhanan ng passport na mga INC whistleblower para mapatahimik lamang sila.Kung totoo ang mga ulat ay malinaw na paglabag ito sa ating mga batas, kabilang na ang Revised Penal Code.

Ito ay dapat siyasatin ng mga awtoridad at kung may mapapatunayan na nagkasala ay dapat silang usigin. Hindi komo malaki at maimpluwensya ang INC ay “above the law” o “untouchable” sila. Lahat tayo ay maaring sampahan ng kaso at mapanagot ng hukumanm basta’t napatunayang nagkasala.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …