Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ella Cruz, naging viral ang galing sa pag-twerk

071515 ella cruz

00 Alam mo na NonieNAGING viral sa social media ang paghataw ng teen actress na si Ella Cruz sa pagsasayaw ng hit song na Twerk It Like Miley ni Brandon Beal. Nakakuha ito ng higit limang milyong views sa Facebook at YouTube.

Bago ito, nakakuha muna ito ng halos dalawang milyong views nang wala pang isang linggo. “Sobrang saya kasi unexpected na magge-gain siya ng million views in just less than a week. So, nagulat ako na ‘yun nga biglang viral, nasa lahat ng blogs tapos kapag sinearch mo ‘yung Ella Cruz sa Twitter, ‘yun ang pinag-uusapan.

“Pagkataapos ang daming shares sa Facebook, tapos ang dami ring views. Sobrang gulat at sobrang saya and sobrang thank you sa lahat,” saad ni Ella.

Dahil dito, ikinokompara si Ella kay Maja Salvador na last month ay sumayaw din ng ganito sa ASAP ng ABS CBN. Ayon kay Ella, itinuturing niyang compliment ito. “Kasi siyempre si Ate Maja, Dance Diva, Dance Princess, Twerk Queen, so sobrang flattering sa akin. Iyon din kasi ang gusto kong gawin besides sa acting, mahilig din ako magsayaw.”

Nabanggit din ni Ella na hilig talaga niya ang pagsasayaw at for fun lang daw ang ang pag-record niya ng naging viral na dance video niya. “Dati pa kasi talaga mahilig ako sumayaw, tapos dati gusto ko nang gumawa ng mga dance vi-deos. So, mayroon kasi akong friend na choreographer, si Teacher Macky ‘yung kasama ko sa video. Sabi ko, ‘Tara sayaw tayo.’ ‘Yun lang for fun lang talaga siya.”

Samantala, aminado naman si Ella na umiiwas daw siyang maging daring o pa-sexy sa mga paglabas niya sa TV. Kaya okay sa kanya ang maging parte ng pambagets na programa sa TV5 titled #Parang Normal Activity na mula sa The Idea First Compnay nina Direk Perci Intalan at Direk Jun Lana.

“Okay lang sa akin na magpabata ulit, kasi hindi naman dapat continuous ‘yung parang adult ka sa role na ‘to tapos adult ka pa ulit. ‘E ‘yung itsura ko, kaya ko pa namang magpa-tweetums. Actually yung sa Bagito, ginawan pa nila yun ng paraan para magmukha talaga akong 18.

So, natutuwa ako na ngayon patweetums na po ulit yung role ko dito sa #ParangNormal Acti-vity, pa-comedy, ganyan. At least, malaman po ng lahat na hindi ako na-stuck sa ganoong klaseng roles lang,” saad pa ni Ella.

Kasama niya sa #ParangNormal Activity sina Ryle Paolo Santiago, Andre Garcia, Shaun Salvador, Kiray Celis, Eunice Lagusad, at iba pa. Napapanood ito sa Kapatid Network tuwing Sabado, ika-walo ng gabi.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …