Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mama Rene to Winwyn — Magsayaw na lang siya

 

031715 wynwyn marquez

00 fact sheet reggeeNatanong din si Winwyn Marquez na sumali sa Binibining Pilipinas 2015 pero lost ang beauty ng dalaga.

Ikinompara rin si Wynwyn sa tiyahin nitong si Melanie Marquez na kapatid ng amang si Mayor Joey Marquez.

“Sincerely, hindi ko nakilala si Wynwyn, of course iba si Melanie, naglalakad palang, kita mo, stand out talaga.

“Dala-dala ko ‘yan sa ibang bansa, I did a lot of fashion shows all over the world, kitang-kita mo talagang iba. Kaya nga enjoy na enjoy sa kanya si Mrs. (Imelda) Marcos.

“Maski sa picture si Winwyn, hindi ko nakitaan sa kanya ‘yung katulad ni Melanie.

“Napanood ko rin ‘yung contest (Binibining Pilipinas 2015), wala (sinabi si Winwyn) ‘pag isinama mo sa lahat, wala na, maliit kasi.

“Mag-artista na lang siya, huwag na siyang sumali (beauty contest), magsayaw na lang siya, roon siya magaling sa dance (namana sa inang si Alma Moreno), ‘yun ang talent niya. ‘Di ba siya ang unang binubuhat kapag inihahagis, ‘yun, magaling siya,” pangangatwiran pa ng project director ng Mutya ng Pilipinas.

Speechless kami sa mga sinabi ni mama Rene at mas lalo pa kaming naloka nang banggitin pa nina katotong Rohn Romulo at Rose Garcia na magaling daw magkontrabida si Winwyn.

“Ah talaga? Mag-kontrabida na lang siya,” mabilis na sabi ni mama Rene.

“Ako kapag may lumalapit at nakita kong wala, sinasabihan kong mag-aral na lang sila, kasi why give them false hope?

“Kapag nakitaan ko naman ng potential, inire-recommend ko kaagad, ganoon kasimple,” pahayag pa.

Nabanggit din ni mama Rene na hindi siya pabor sa mga artistang sumasali sa mga beauty contest dahil kapag natatalo ay malaking epekto ito sa career nila.

Noong araw daw ay pawang no names ang mga sumasali sa beauty contest bago naging artista kaya mabilis ang pagsikat katulad nina Gloria Diaz, Melanie, Margie Moran (O Margie kasama si Cocoy Laurel), Aurora Pijuan (naging leading lady ni Ariel Ureta sa Si Popeye Atbp.), Charlene Gonzales-Muhlach, Carlene Aguilar, Alice Dixson, Alma Concepcion, Joanne Quintas, Precious Lara Quigaman, Ruffa Gutierrez, Miriam Quiambao, Maria Isabel Lopez, Vida Doria, at Pilar Pilapil. Katunayan, aktibo pa rin sa showbiz ang ilan sa mga nabanggit.

Natawa pa kami sa tsika ni mama Rene, “’yung iba kasing artista na kapag inayos na ang mga mukha at ilong, magkakamukha sila, iisa ang molde kasi iisa (doktor) ang gumawa, iisa ang kumaskas ng mukha, ang ngipin din, iisa ang tubo, you know what I mean?

“Kaya itong si Soberano, maganda itong batang ito, sana huwag ng mabago as is na siya.”

Kung may pagkakataon daw ay puwede niyang i-convince si Liza na sumali pagdating ng araw.

“Ang problema rin kasi sa mga artista natin, maraming magaganda, pero ang liliit,” hirit pa.

Samantala, nabanggit si Megan Young na nanalong Miss World Philippines 2013 ay inamin ni mama Rene na inalok niyang sumali sa Mutya ng Pilipinas, pero tumanggi dahil mas type nito ang Binibining Pilipinas na pinalad manalo.

“’Yung tindig at taas ni Megan, bagay ‘yun sa Mutya, eh, noong inalok ko, nagkibit balikat lang, mas gusto niya sa Binibini,” say ni mama Rene.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …