AYAN, pati ang mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Dino ay tila nakisawsaw na sa lip sync issue which Rhap Salazar started.
Mayroon pang warning si Liza na opinion lang nilang mag-asawa ang kanyang ipinost sa social media about their stand sa lip sync issue.
“Siguro unang-una dapat magkaroon ng separation at sariling category ang mga non-singer who have released their own albums and are doing shows. Puwedeng Magkaroon ng bagong classification sa kanilang genre para at least alam natin what to expect at ano ang makukuha natin from them (Like K-pop or j-pop)—– Something that can identify their kind of entertainment. Consumers will then be more informed and it will be fair to the bonafide OPM singers and musicians dahil hindi basta-basta mapapabilang lang ang music nila with what we already have in our country at sa mga respective genre na kinabibilangan nila,” suggestion ni Liza.
Ano raw? Nakakaloka ka, Liza, ha.
“In terms of concerts, Siguro maganda rin that there is a category for those kinds of shows. Instead of labeling them as concerts, siguro pwedeng ‘Experience with Anne Curtis’ or ‘a night of performance with Enchong Dee,’ I mean, something other than the word CONCERT. Maybe it’s also a way to educate the people subconsciously kung ano ang differences ng mga show na tinatangkilik nila. Na ‘pag CONCERT ang pinuntahan mo, you’re in for a musical experience from professional singers and kung performance or experience, hindi necessarily music from a professional singer ang core ng palabas. It can be a variety show, dance showcase, stand up comedy etc..” dagdag pa niya.
Lalo kaming napatawa sa suggestion ni Liza. As if naman may sense ang suggestion niya. Ano raw? An Experience with Anne Curtis?
Hay, naku, itong si Liza ay frustrated comedienne pala!!!
UNCUT – Alex Brosas