Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kenzo, pinalabas na sinungaling si Julia

 

072115 Kenzo Gutierrez julia barretto

INI-REVEAL ni Kenzo Gutierrez na naging sila ni Julia Barretto, taliwas sa denial noon ng young star na hindi sila naging madgyowa.

Sa uncut version ng PBB recently ay nagkuwento si Kenzo at naitsika niya ang isang unnamed girl sa kanyang Facebook account.

“Bro, nasa Facebook ko pa nga ‘yun, nasa profile picture ko. Check n’yo ‘yung comments, comment niya, nandoon pa, ang daming nag-like,” say ni Kenzo.

Nang matanong kung sino ang girl, ayaw sabihin ni Kenzo hanggang magtanong ang isang guy, “Crush mo si Julia, bro?”

“Bro, walang banggitan ng pangalan, bro,” sagot kaagad ni Kenzo.

Later, ibinuking nito na “Hindi ko siya crush, bro. Basta parang may thing kami rati. Pero tagal na ‘yun, bro. First year high school, pero parang naging kami pero two months lang.”

Obviously, si Julia ang kanyang tinutukoy.

Kung bakit sila naghiwalay, say ng binatang PBB housemate, “Wala. Feeling ko, ‘pag inisip ko ngayon, parang bata pa talaga kami noon. Pero parang mutual naman noong nag-ayaw kami. We’re friends pero ang tagal na rin kaming hindi lumalabas, pero friends kami.”

So, ano ka ngayon, Julia, sinungaling?

Well, ang tingin namin ay nautusan lang itong si Kenzo na magkuwento about his relationship kay Julia dahil hindi na maingay ang PBB mula nang mawala ang livestreaming nila. Wala nang pinag-uusapan sa mga episode nila.

At tingnan ninyo, parang may pattern na sinusunod ang show. After kasing maging controversial ang Kenzo-Bailey bromance ay biglang nag-concentrate ang show sa Kenzo-Kamille romance.

And now, nasa Julia-Kenzo romance naman sila.

That’s the pattern, right?

Gimik-gimik din ‘pag may time, PBB!!!

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …