MAS aktibo ngayon si Yul Servo bilang public servant. Tatlong term na siyang konsehal sa 3rd District ng Maynila, kaya naman mas nakatutok siya sa politika kaysa showbiz.
Pero aminado ang award winning na actor na gusto ni-yang maging aktibong muli sa mundo ng indie films.
“Gusto ko sanang maging active ulit sa paggawa ng indie films. May offer ako sa indie, sana matuloy. Kasi, gusto ko ulit na maging active sa indie.
“Kasi, dito ako sa indie talaga nagsimula bilang artista sa pelikula. Kaya kahit hindi ganoon kalaki ang TF (talent fee), nahahasa talaga ang craft mo sa indie.
“So, kahit mababa ang talent fee, iba iyong fulfillment sa indie. Hindi iyon mababayaran talaga ng pera, kaya mahal ko ang indie, e,” esplika sa amin ni Yul nang makahuntahan ko siya recently.
Ukol naman sa usaping politikal, dahil naka-tatlong term na siya bilang Konsehal, sa susu-nod na eleksiyon ba ay kakandidato siyang congressman o magiging vice mayor ng Maynila?
“Kasi, ang partido pa rin ang may last say pagdating sa mga bagay na iyan. Komporme pa rin iyan e,” bitin na sagot ni Yul.
“Sa ngayon, ang kandidato namin sa Asenso Manileño, iyan ang political party namin, ang kandidato namin bilang vice mayor ay si Danny Lacuna.
“So, tingnan natin kung ano ang mangyayari bago mag-October.
“Iyong siyam na taon na paglilingkod ko, marami akong natutunan. Like, paano haharap sa mga tao, paano sila pakikisamahan at paano magtrabaho bilang konsehal.
“So kumbaga, matapos man ako dito ay makakalakad ako sa tao ng diretso at makaka-tingin ko ng diretso sa kanila, dahil alam kong naglingkod ako ng tapat.”
Dagdag pa ni Yul, “Ang gusto ko lang naman, umangat ang pamumuhay ng mga taga-distrito ko. Gusto kong magbigay nang todong-public service para sa ikauunlad ng Third District ng Maynila. Iyon ang priority ko talaga, e.
“So, hindi natin masabi pa ang mangyayari talaga. Pero sa tulong ng Panginoong Diyos, naniniwala ako na tutulungan Niya ako. Kasi alam naman Niya na ang aking pagserbisyo ay buong puso , tapat…
“Na kung lalaban man ako, gusto kong lu-maban ng may respeto at malinis. Para kung manalo man ako ay alam ko sa puso ko na hindi ako nandaya, hindi ako nang -apak, at hindi ako nanlamang ng kapwa ko.
“Kasi kahit ayaw mo, minsan ay ilalagay ka talaga ng Panginoon doon e. Kaya naniniwala ako sa destiny ko. Kasi kapag sakaling hindi ako ini-lagay doon ng Panginoon, naniniwala ako na mayroon Siyang plano para sa akin.”
Ipinagmalaki rin niyang hindi siya naging corrupt na politiko.
“Masasabi ko kahit kanino man, hindi ako nagnakaw kahit isang singkong duling. Na tinupad ko ang mga pangako ko sa mga taong sumuporta at nagtiwala sa akin.
“Ang isa pang pasasalamat ko sa mga kadistrito ko ay pina-graduate nila ako bilang konsehal. At least ay napatunayan ko na hindi lang ako artista, na kaya ko rin maging lingkod bayan.”
Ayon pa kay Yul, kahit na anong mangyari ay hindi raw niya iiwan ang mundo ng showbiz.
“Hindi ko iiwan ang showbiz kahit na anong mangyari. First kong love iyan e at dito talaga ako sa showbiz lumago bilang artist at bilang tao.”
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio