ANG isa pang obvious na na-hurt din ay itong si Jessy Mendiola.
Kung sina Juliat at James ay nachismis na nag-date, ito namang si Jessy ay panira raw sa relasyon nina Sarah Geronimo and Matteo Gudicelli.
Ang chika, madalas daw kasing tumambay si Jessy sa condo ni Matteo. Parang pinalalabas na kahit na boyfriend na ni Jessy si JM de Guzman ay ipinagpipilitan pa niya ang kanyang sarili kay Matteo.
Ang malala pa, mayroong lumabas yatang picture na magkasama ang dalawa sa isang condo.
Sa isang interview, sinabi naman ni Jessy na matagal na ang kuhang iyon, Paraiso days pa kaya walang katotohanang siya ang third party sa sinasabing hiwalayan nina Sarah at Matteo.
Naniniwala naman kami sa kanya. Bakit nga naman niya lalandiin si Matteo, eh, may boyfriend naman siya.
UNCUT – Alex Brosas