Friday , September 20 2024

Serge: Chiz bagahe kay Grace

HIGIT na pinaboran ng kilalang political strategist na si Senador Serge Osmeña ang umuugong na tandem nina DILG Secretary Mar Roxas at Senador Grace Poe bilang pambato ng administrasyong Aquino sa  Eleksyon  2016. 

Sinabi ni Osmeña, naging political strategist ni Poe noong 2013, na mas mabuting tumakbo bilang Bise Presidente si Poe “without any extra weight” at tinawag na “safer” ang tandem nito na kasama ang kalihim ng DILG.

 ”She would be better off and she would make a better President if she has six years as Vice President because she’s fairly new in this game,” paliwanag ni Osmeña.

Naniniwala si Osmeña na hindi lamang winnability at politika ang kailangan pag-usapan sa eleksyon ngunit pati ang kahandaan ng isang kandidato para sa puwestong hinahangad.

“This is not only national politics and winning an election. After that, the big work, the headache comes—running the country. And we’ve seen that that’s very difficult. If you start stumbling, then the country stumbles with you,” diin ni Osmeña. 

Kahit sinuportahan ni Osmeña si Pangulong Aquino noong 2010, hindi lingid sa kaalaman ng publiko na ilang beses nang taliwas sa posisyon ni PNoy ang ilang pahayag ni Osmeña, na kilalang isa sa mga adviser ni Poe.

Sinabi ni PNoy sa isang ambush interview kahapon na “closer” na siya sa pagdedeklara ng kanyang napipisil sa tandem para sa 2016. Kasunod ito ng kanyang pagpupulong kina Roxas, Poe, Escudero at Budget Secretary Butch Abad.

Inamin ng Pangulo na may kasunduan na sila na “malaki na ang naging pagbabago sa ating lipunan sa loob ng limang taon” at natural lamang na “itong transpormasyon na nangyayari, dapat ipagpatuloy.”

Bagamat tumangging umamin ni PNoy kung may mas malapit na sa tatlong kausap ang malamang na kanyang mamanukin pagkatapos ng kanilang pulong.

Ilang beses nang sinabi sa mga nakaraang interbyu na personal niyang pambato si Roxas para sa pampanguluhan. 

“Kasama nila ako na excited rin,” sagot ni PNoy sa pahayag na excited na ang kanyang mga boss sa magiging anunsiyo.

“I’m very glad that there is such a big pool of people who will continue to struggle to really get our people to where they should be,” dagdag niya. 

Ipinangako ni PNoy na patuloy pa rin ang kanyang pakikipag-usap sa mga miyembro ng koalisyon kahit papalapit na ang kanyang huling SONA. “Today I’m talking with the LP hierarchy, amongst others. I keep on talking to various groups and other personalities, not just for the top positions but also the senatorial slate, and at some point in time, even the local slates,” paliwanag niya.

“Ang gusto natin talagang maparami ‘yung kaagapay o mga kasamahan na tutulong dito sa pagpapanatili ng Daang Matuwid.” 

About hataw tabloid

Check Also

DOST trains 14 Jasaan milk producers on food safety and good manufacturing practices

DOST trains 14 Jasaan milk producers on food safety and good manufacturing practices

In its mission to enhance its production standards, the United Livestock Raisers Cooperative (ULIRCO) underwent …

2024 Handa Pilipinas Mindanao Leg

2024 Handa Pilipinas: Mindanao Leg

Innovations in climate and disaster resilience nationwide exposition 02-04 OCTOBER 2024 | KCC Convention Center, …

Philippine Reclamation Authority PRA Bagong Pilipinas

PRA suportado, tutuparin Bagong Pilipinas vision

IBINIDA ng Philippine Reclamation Authority (PRA) ang mga pangunahing proyekto nito na hindi lang makatutulong …

Allan De Castro Jeffrey Ariola Magpantay Catherine Camilon

Ex-police major, aide/driver arestado sa pagkawala ni Camelon

CAMP VICENTE LIM, Laguna — Arestado ng mga local na awtoridad ang nasibak na police …

Bong Revilla blood letting

Dugo dumanak sa QC sa kaarawan ni Revilla

DUMANAK ang dugo kahapon, 18 Setyembre 2024, sa Quezon City nang idaos sa Amoranto Sports …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *