Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ryle Paolo Santiago, aminadong crush sina Kathryn at Liza

00 Alam mo na NonieNAGPAPASALAMAT si Ryle Paolo Santiago na makapagtrabaho sa TV5 at maging isa sa bida sa TV series na #ParangNormal Activity na napapanood tuwing Sabado 8 pm, pagkatapos ng Lola Basyang.com.

“Happy po akong makapag-work sa TV5, because I already know some artists from the network. So, hindi naman po ako naiilang kapag nagsasama kami sa TV5 events. Also the production of Idea First is very accommodating. They really take care of us,” saad ng guwapitong anak ni Sherilyn Reyes.

Ano ang role mo sa #ParangNormal?

“Ang role ko po is si Makoy ang leader ng ParangNormal Club. Siya po ang may idea na bumuo ng club dahil gusto ni-yang hanapin yung ghost ng mom niya.

“Nagkataon na nagka-paranormal happenings sa school and yung team ni Makoy ang nagso-solve ng mga mystery.”

Sinabi rin niyang kay Ella Cruz siya pinaka-close sa casts nito.

“Ang pinaka-close ko po sa girls is Ella, because nakasama ko na po siya sa Bagito and we really became close after the show, we didn’t lose touch.”

Bakit dapat abangan ang show ninyong ito?

“Dapat pong abangan itong show na ito because hindi po siya yung normal na comedy, hindi rin po siya yung normal na horror show. It is brought to you by two of the most respected directors in Philippine showbiz (Direk Perci Intalan and Direk Jun Lana), so I can say that it is really worth watching because it is very entertaining.”

Nang usisain kung sino ang crush niya sa showbiz, sinabi ni Ryle na sina Kathryn Bernardo at Liza Soberano. “Kasi sina Kathryn at Liza po iyong pinakamamaganda sa ABS-CBN na ka-age ko,” saad niya na idinagdag pang sa ngayon ay gusto niyang sa career sa showbiz muna mag-focus.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …