Monday , December 23 2024

Poll expense limit dapat na talagang amyendahan sa Kongreso!

SUMASAKIT daw ang ulo ng Commission on Elections (COMELC) ngayon.

Mukhang maraming politiko ang sasabit sa kanilang election expense limit.

Hindi  ba’t diyan sumablay si disqualified Laguna governor ER Ejercito? Kaya siya na-disqualified dahil sumobra ang gastos niya alinsunod sa itinatakda ng Republic Act 7166 (SEC. 13. Authorized Expenses of Candidates and Political Parties).

Hindi lang basta disqualification, kundi “perpetual disqualification to hold public office.”

Ganyan po kabigat, ang paglabag diyan sa election expense limit na ‘yan.

Ang siste, mismong ang Comelec ay naniniwalang malayo na sa realidad ang presyo ng itinakdang limitasyon ng Sec. 13 RA 7166 para sa election campaign expenses.

Sa ilalim ng nasabing batas P10 bawat botante ang itinatakdang gastos ng mga kandidato para sa President at Vice-President; at P3 kada botante naman sa ibang kandidato ultimo Senador na nationwide rin ang kondukta ng pangangampanya. Pero kung independent o kahit naka-partido pero walang suporta, pinapayagan nang hanggang P5.

Limang piso rin ang itinatakdang gastos kada botante ng mga nakapaloob sa political party.

Ang mga nagastos sa kabuuang kampanya ng eleksiyon at nakuhang kontribusyon ay kailangang masinop na maiulat sa pamamagitan ng Statement of Contributions and Expenditures  o SOCE (Sec. 14 RA 7166).

 Ito ay kailangan isumite, 30 araw pagkatapos ng eleksiyon. Kapag hindi nakapagpasa nito, hindi maaaring umakto o makapag-opisina ang isang kandidato sa posisyong kanyang napanalunan.

Maliban sa nahalal na barangay official, ang mga kandidatong hindi nakapaghain ng SOCE base sa rekisitos ay kailangan magmulta mula P1,000 hanggang P30,000, o batay sa diskresyon ng Comelec.  

Kailangang bayaran ang multa sa loob ng 30 araw, pagkatanggap sa notice. Kapag nabigo ang kandidato na tumupad dito, ito ay sapilitang ipatutupad sa pamamagitan ng writ of execution ng Comelec.

Ngayon, sino po ang maniniwala na ang isang lokal na kandidato ay gagastos lamang ng P3 bawat botante?!

Mantakin ninyong 24 taon (1991) na ang nakalilipas mula nang ipatupad ang batas na ‘yan (RA 7166). Ilang pagtataas na ng presyo ang naganap hindi pa rin namo-modify ang nasabing batas?!

‘E sa  pagpapa-imprenta lang ng tarpaulin, pagpapagawa ng t-shirt, fliers, sample ballot at iba pang election campaign paraphernalia, maniniwala ba tayong P3 lang bawat kandidato ang nagastos ng mga kandidato?!

E ‘yung vote buying pa ‘este actual na election day pa?!

Wala tuloy magawa ‘yung mga kandidato kundi magsinungaling dahil mahirap na nga namang ma-perpetual disqualification…

‘Yung iba naman na hindi nagbasa ng batas, ang akala reimbursable sa partido nila o sa gobyerno ang nagastos nila kaya todo ‘padding’ pa, ‘yun perpetual disqualification tuloy ang napala.

Hehehehe …

Kidding aside, dapat na talagang trabahuin ng Kongreso ang pagmo-modify sa batas na ‘yan — RA 7166, dahil kung hindi, tuwing eleksiyon ay ‘magsisinungaling’ lang ang mga politiko sa pagpapasa ng kanilang SOCE!

Stable ang heart condition ni GM Bodet Honrado

NALULUNGKOT tayo sa kalagayan ngayon ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Jose Angel Honrado pero sa isang banda ay nakapagpapabawas din ng pangamba nang malaman natin na hindi naman pala atake sa puso ang dahilan ng kanyang indefinite leave.

Nag-seizure kasi nitong Hunyo 28, 2015 habang nasa kanyang opisina si GM Bodet.

Akala ng marami ay inatake sa puso si GM kasi tatlong major bypass operations sa St. Lukes hospital ang dinaanan niya bago mag-Semana Santa noong nakaraang taon. After three weeks, bumalik na siya sa trabaho.

Kaya kahapon ay inilinaw ni GM Bodet sa pamamagitan ng Media Affairs Division (MAD) na hindi atake sa puso kundi seizure ang kanyang naranasan. 

Base raw kasi sa medical tests, ang kanyang puso ay nasa perpektong kondisyon at malakas, sabi pa sa press release.

Ayon daw sa kanyang neurologist, ang naganap na seizure ay resulta ng kanyang nakaraang trauma.

Kabilang dito ang dalawang traumatic experiences na helicopter crash noong 1978 at stoning incident noong 2013.

Sanhi ng tail rotor failure, bumagsak ang pinalilipad na helicopter ni Honrado sa Cavite noong 1978.

Nagawang makalangoy ni Honrando makaraan ang insidente at nakaligtas sa sakuna.

Noong 2013 naman, tinamaan ng malaking bato sa ulo si Honrado nang batuhin ang kanyang sasakyan habang dumaraan sa North Luzon Expressway. Pumasok ang bato sa windshield at tinamaan sa ulo si Honrado na nakaupo sa passenger seat.

Kamalas rin naman ni GM Bodet ‘no…

Sa dami ng sasakyan dumaraan sa NLEX, siya pa ang nahagip ng walanghiyang nambabato riyan?!

Tsk tsk tsk…buwis-buhay din ‘yang mga traumatic experiences na ‘yan ni GM.

Sa kasalukuyan, ang pagkakaalam natin ay nagpapalakas pa sa ospital si GM Honrado at kinakailangan mamahinga sa loob ng ilang buwan.

Gaya ni Immigration Commissioner Siegfred Mison nang maospital kamakailan, marami rin empleyado ng airport ang nagdasal para kay GM Bodet.

Mayroong mga nanalangin para sa mabilis niyang recovery…

Hindi lang natin alam kung ano naman ang  panalangin ng iba pa.

Anyway, get well soon, GM Bodet!             

Isang makabuluhang pagdiriwang ng Eid’l Fitr (Feast of Ramadhan) sa lahat ng mga kapatid na Muslim

Sa araw na ito, binabati po natin ang mga kababayan nating Muslim ng makabuluhang pagdiriwang ng EID’L FITR.

Nakikiisa po tayo sa kabanalan ng araw na ito sa inyong pagdiriwang.

Hangad po natin na ang pagdiriwang na ito ay maging bahagi ng kamulatan ng lahat ng mga kababayan natin, bata o matanda, ukol sa kultura at relihiyon.

Hangad din natin na ang makabuluhang pagdiriwang  na ito ay pumawi sa ilang maling pananaw ukol sa mga kababayan nating Muslim.

Muli, ang amin pong pakiisa.   

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *