Wednesday , November 20 2024

New PNP Chief Dir. Gen. Ricardo Marquez positive vibes sa lahat

HINDI natin masyadong kilala si newly appointed PNP chief, Dir. Gen. Ricardo Marquez.

Pero hindi gaya ng mga nauna sa kanya, napakapositibo ng mga feedback na nakaaabot sa inyong lingkod tungkol kay Dir. Gen. Ric Marquez.

Pinakahuling assignment ng bagong PNP CHIEF, Philippine Military Academy Class ’82, ang pagtulong sa paglalatag ng seguridad noong Papal visit nitong Enero at Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit, kamakailan lang.

Inaasahan din na mairaraos ni DG Marquez ang maayos na seguridad para sa 2016 elections.

Isa po ‘yan sa pinakamalaking assignment na iniatang ni Pangulong Benigno Aquino III kay CPNP DG Marquez.

Bago itinalagang pinuno ng PNP, si Marquez ay namuno bilang regional director ng PNP Region 1 at Directorate for Operations ng Pambansang Pulisya.

Siya ang opisyal na kapalit ni Dir. Gen. Alan Purisima na nagbitiw nitong Pebrero sa kasagsagan ng Oplan Exodus sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 pulis.

Naniniwala tayo na sa ganda ng track records nitong si DG Marquez na hindi man lang nasabit ang pangalan sa kahit na anong uri ng iregularidad at anomalya ay malakas ang kanyang moral ascendancy na linisin ang PNP.

Dapat sigurong unahin ni DG Marquez ang mga pulis-bagman na alaga ng kung sino-sinong opisyal.

Gaya ng isang kupitan ‘este kapitan sa Maynila na may hawak ng malaking delihensiya group.

Sabi nga ng mga nakakikilala kay DG Marquez, hiwalay ang trabaho sa personal para sa kanya.

Ayaw na ayaw niya na ginagamit ang posisyon sa PNP para maka-provecho, dahil para sa kanya, sagrado ang tungkuling ipinagkakatiwala ng buong bayan sa kanilang mga pulis.

Kung ganyan ang bagong PNP chief, palagay natin ‘e dapat nang magbalot-balot ang mga LESPU na matakaw sa intelihensiya.

‘Yun bang tipong nagpapayaman sa posisyon kahit kumapit sa droga, carnapping, 1602 tongpats at iba pang uri ng ilegal na gawain.

Wish lang natin na sana’y si DG Marquez na ang  kasagutan sa kahilingan ng maliliit na pulis at ng sambayanan na magwawalis sa mga scalawag sa pulisya.

Kapag nangyari ‘yan, tiyak na hindi lang bonus kundi mapupuno rin ng dangal ang kanyang pagreretiro.

Welcome and good luck PNP Chief DG Marquez!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *