Wednesday , November 20 2024

New PNP Chief Dir. Gen. Ricardo Marquez positive vibes sa lahat

HINDI natin masyadong kilala si newly appointed PNP chief, Dir. Gen. Ricardo Marquez.

Pero hindi gaya ng mga nauna sa kanya, napakapositibo ng mga feedback na nakaaabot sa inyong lingkod tungkol kay Dir. Gen. Ric Marquez.

Pinakahuling assignment ng bagong PNP CHIEF, Philippine Military Academy Class ’82, ang pagtulong sa paglalatag ng seguridad noong Papal visit nitong Enero at Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit, kamakailan lang.

Inaasahan din na mairaraos ni DG Marquez ang maayos na seguridad para sa 2016 elections.

Isa po ‘yan sa pinakamalaking assignment na iniatang ni Pangulong Benigno Aquino III kay CPNP DG Marquez.

Bago itinalagang pinuno ng PNP, si Marquez ay namuno bilang regional director ng PNP Region 1 at Directorate for Operations ng Pambansang Pulisya.

Siya ang opisyal na kapalit ni Dir. Gen. Alan Purisima na nagbitiw nitong Pebrero sa kasagsagan ng Oplan Exodus sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 pulis.

Naniniwala tayo na sa ganda ng track records nitong si DG Marquez na hindi man lang nasabit ang pangalan sa kahit na anong uri ng iregularidad at anomalya ay malakas ang kanyang moral ascendancy na linisin ang PNP.

Dapat sigurong unahin ni DG Marquez ang mga pulis-bagman na alaga ng kung sino-sinong opisyal.

Gaya ng isang kupitan ‘este kapitan sa Maynila na may hawak ng malaking delihensiya group.

Sabi nga ng mga nakakikilala kay DG Marquez, hiwalay ang trabaho sa personal para sa kanya.

Ayaw na ayaw niya na ginagamit ang posisyon sa PNP para maka-provecho, dahil para sa kanya, sagrado ang tungkuling ipinagkakatiwala ng buong bayan sa kanilang mga pulis.

Kung ganyan ang bagong PNP chief, palagay natin ‘e dapat nang magbalot-balot ang mga LESPU na matakaw sa intelihensiya.

‘Yun bang tipong nagpapayaman sa posisyon kahit kumapit sa droga, carnapping, 1602 tongpats at iba pang uri ng ilegal na gawain.

Wish lang natin na sana’y si DG Marquez na ang  kasagutan sa kahilingan ng maliliit na pulis at ng sambayanan na magwawalis sa mga scalawag sa pulisya.

Kapag nangyari ‘yan, tiyak na hindi lang bonus kundi mapupuno rin ng dangal ang kanyang pagreretiro.

Welcome and good luck PNP Chief DG Marquez!

Sec. Edwin Lacierda pumalag na rin kontra VP Jojo Binay

ABA, hindi na rin pala nakatiis si Presidential spokesperson Secretary Edwin Lacierda at binasag na rin niya ag kanyang pananahimik.

Sinungaling daw si Vice President Jojo Binay, dahil hindi consistent ang mga tirada at sinasabi niya patungkol sa Aquino administration.

Noong una na inaasam-asam pa niya ang endorsement ni PNoy ‘e hindi niya binabanatan pero nang magsalita si PNoy, na nanatiling si Secretary Mar Roxas ang gusto niyang humalili sa kanya, bigla nang lumabas ang tunay na kulay ni Binay.

Nag-resign sa Gabinete si Binay saka inupakan na ‘manhid at palpak’ at may corruption pa rin ang administrasyong Aquino.

Kahit sino naman siguro ang malagay sa mga tagapagsalita ni PNoy, tiyak na makapagsasalita na rin laban kay VP Binay dahil sa kanyang ginawang pagbanat sa administrasyon.

Hindi lang natin maintindihan kung ano naman ang papel ng isang Rose Lacierda Uy, bakit siya naman ay nasa bakod ni Binay?!

Siya ba ‘yung utol ni Secretary Lacierda?

Anyway, kung utol man siya ni Secretary Lacierda ‘e hinahangaan natin ang kanyang katapa-ngan na pumosisyon pabor sa mga Binay.

Ang alam lang naman natin na medyo naglalaro-laro pa ‘e ‘yung isang ‘kolokoy’ diyan sa Malacañang.

Laging playing safe.

At tila laging nakabantay kung kaninong bangka ang lulubog para madali siyang makalundag sa kabila.

Ninerbiyos ka na ba sa Samar Group, Mr. Kolokoy?

Kilala kaya ni Communications Sec. Sonny Coloma si Mr. Kolokoy!?

Boom panot!!!

Apat na OFWs inagrabyado ng immigration sa Mactan Int’l Airport (Attn: Ombudsman Visayas) 

Tila subjective na raw ang manner ng pag-isyu ng Show Cause Orders or Notice to Explain ngayon diyan sa Immigration.

Napakarami raw mga empleyado na may mabibigat na kaso ang hindi naman nabibigyan ng SCO at NTE lalo na kung kakampi ng mga hepe na sinasabing ‘tuta’ o nagpapagamit daw diyan kay Immigration Comm. Fred “gas padding” Mison.

Isa na rito ang kaso ni Immigration Officer-TCEU JEDDAH REUYAN sa Mactan International Airport na ini-offload ang apat na kaawa-awang OFWs na may POEA-OEC (POEA overseas exit clearance). Nag-file ng complaint sa Ombudsman ang apat na OFWs dahil ang maling assessment at profiling sa kanila ang dahilan para hindi makaalis ng bansa?!

Pinaghinalaan daw ni IO Reuyam ‘este Reuyan na pupunta sila sa Korea imbes sa Middle East dahil kinakitaan ng expired na E-6 visa ang isa sa mga pasahero.

Sonabagan!!!

May POEA-OEC na ini-offload pa dahil lang sa tamang-duda?!

Siraulo pala ‘yang hinayupak na ‘yan!?

Hindi ba niya naisip na pamilyadong tao ang mga pinerhuwisyo niya?

Mabibigyan ba niya ng trabaho ang mga taong iyan dahil lang sa kaepalan, katangahan at kagagahan niya?

Papaano ang mga anak ng mga OFW na ‘yan?

Paano kung tumigil sa pag-aaral ang mga ‘yan dahil lang sa gusto yata ng trying hard na si IO Re-uyat ‘este Reuyan na magmagaling sa mata  ng benefactor niyang si Atty. “Baby Girl” Tara Tralala!?

Ngayong nasa Ombudsman na ang complaint ng mga naagrabyadong OFWs, wala man lang Show Cause Order na inilabas laban sa kanya galing sa BI main offcie.

Tama ba ang narinig ko, Immigration aiport operations division head Atty. Floro Balatong ‘este Balato!?

Ayaw nang dati mong amo na si Ex-Comm. Nonoy Libanan nang ganyan!

Unfair yata ‘yan sa mga type mo lang pabigyan ng Show Cause Order.

Balita rin na may isang Attorney ang umaareglo sa mga kaso ng mga IO na bume-betsa ri-yan sa MCIA.

Calling the attention of Ombudsman Visayas, pakibusisi nga pong mabuti ang kaso ng mga kaawa-awang OFWs na inagrabyado nitong si IO JEDDAH REUYAN ng Mactan Cebu International Airport!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *