TRUE palang isnabero itong si James Reid. Naitsika sa amin ng isang taga-production na sobrang tahimik lang itong si James kapag mayroon silang taping ni Nadine Lustre ng kanilang teleserye. Wala raw itong kinakausap na production staff. Kung mayroon man itong gusto ay pinasasabi na lang niya sa kanyang assistant.
At hindi pala type ni James ang pagkain sa taping dahil puro raw pork. Eh, bawal ang pork kay James kaya nagpapabili pa ang production ng chicken para lang sa hunk actor.
We were told na halos hindi rin sila nagpapansinan ni Nadine. Kapag tapos na ang kanilang eksena ay kanya-kanya na sila ng pasok sa kanilang dressing room. Wala na raw chikahan portion between them.
Naku, ayaw ng fans niyan, ha.
As to James’ pagiging isnabero, sinabi na naman niya before na mahiyain lang siyang tao. Hindi ba’t nagkaroon pa sila ng issue ni Mark Herras na nagreklamong iniisnab siya ni James noong nasa Sunday musical variety show pa sila sa GMA.
UNCUT – Alex Brosas